NO SHOW sa trade launch ng TV5 na ginanap noong Martes sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sina Megastar Sharon Cuneta at Willie Revillame. Pero kahit hindi nakadalo ang dalawang prime artist ng Kapatid Network, napaka-impressive ng kabuuan ng show na talaga namang pinaghandaan.
Aliw na aliw ang mga kapatid sa panulat na naimbitahan sa production number nina Arnell Ignacio at Tuesday Vargas na talaga namang riot, kung saan sa saliw ng kanilang awitin ay isa-isa nilang ipinakilala ang mga bagong programa ng TV5.
Bukod sa mga press people na naimbitahan, present din ang maraming advertisers.
Present ang mga big star na sina Nora Aunor, Derek Ramsey, Edu Manzano, Lucy Torres, Ruffa Gutierrez, Joey De Leon, Gelli De Belen. At dito in-announce na kasali na pala si Edu Manzano sa daily morning magazine program na Good Morning Club simula sa Lunes (Enero 21) nang 5:00-7:00 a.m with Christine Bersola-Babao, Chiqui Roa-Puno at Amy Perez sa ‘Kumare con Pare.’
Habang iho-host naman ni Joey de Leon ang video clips show na Hayop sa Galing simula sa Enero 26, Sabado, 8:00 p.m. Magpi-premiere naman ang Game N’ Go All Stars sa Enero 27, Linggo, 12:00 noon with Joey de Leon at Edu Manzano , Gelli de Belen, Arnell Ignacio, Daniel Matsunaga at Shalani Soledad-Romulo.
Mag-uumpisa ang teleseryeng Never Say Goodbye sa Enero 28, Lunes, pagkatapos ng Kidlat, with Nora Aunor, Sophie Albert, Alice Dixson, Vin Abrenica, Cesar Montano at Gardo Versoza.
WALA RAW problema sa mabait at very generous na Public Attorney’s Office Chief na si Persida Acosta na isapelikula ang kanyang buhay para kapulutan ng aral ng mga kababaihan na may ambisyong maging lawyer.
Maganda ang kuwento ng buhay ni Atty. Acosta kung saan hindi ito galing sa mayamang pamilya at ang tanging scholarship nito ang sumuporta sa kanya para makapagtapos ng Abogasya.
Kaya naman sa pagsasa-pelikula ng kanyang buhay, maraming kapupulutang aral dito. Kuwento pa ni Atty. Acosta na napapanood pa rin ang kanyang programang Public Atorni sa Aksiyon TV, kung saan marami itong natutulungang mga Pilipino.
MAY BAGONG gimikan sa Tomas Morato na talaga namang ginawa para sa mga party people, ito ay ang G.E.B Super Club na nagbukas last November 30, last year na matatagpuan sa 184 Tomas Morato, Quezon City.
Tsika nga ni Genesis, “G.E.B Super Club is the newest party place for all! Fresh with new interiors and distinct environment, hippiest and latest music for the young and the yuppies, this club will surely bring party-goers the ultimate experience.”
Dagdag pa nito na ang G.E.B ay “Equipped with different clubbing entertainment, this is definitely the place where Great Experiences Begin, with more dancing with the music while having fun with friends and meeting new people in the club’s events that could be any chic-ier with Ladies’ Night Wednesday, hotter with Model’s Night Thursday, Playful with Thank G.E.B It’s Friday, and most wanted Jampacked Saturdays of booty grinding and bumping.”
Kaya naman sugod na sa kanilang “UNLEASHED” Party na magaganap sa Friday, January 25 this year.
John’s Point
by John Fontanilla