TULOY NA tuloy na talaga ang matagal nang inaabangang pagpapalabas ng pinakabagong show ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta sa TV5, ang Sharon, Kasama Mo, Kapatid, kung saan nagkaroon ito ng taping cum/ presscon last April 25, 2012 sa Delta Theater at magsisimulang iere sa May 7.
Ilan sa mauunang magiging panauhin nito sa kanyang talk show ay sina Pilita Corrales, Annabelle Rama at Lolit Solis. Three times a week daw ang magiging taping ni Mega ng kanyang show na mula sa mahusay na direksiyon ni Mark Meily.
Hindi nga naiwasang maintriga ang nag-iisang Megastar nang mag-tweet ito na para sa kanya ay dapat na mauna si Comedy King Dolphy na mahirang na National Artist. Sa tweet nga nito, “I think Tito Dolphy should be proclaimed National Artist.” Na sinundan ng isa pang tweet nito na, “They should’ve made FPJ National Artist long ago, too.” Na balitang hindi naibigan ng mga Noranian at Vilmanian. ‘Yun na!
HINDI RAW naiwasang kabahan ni Kris Bernal sa kissing scene nila ni Jerico Estregan para sa kauna-unahan nilang pagsasama sa pelikula via Ben Tumbling.
Si Kris daw ang lalabas na asawa rito ni Jerico na pumapapel naman bilang si Ben Tumbling at mula sa direksiyon ni Joven Tan. Very memorable daw kay Kris ang 1st shooting day nila ng nasabing pelikula, dahil ang nasabing kissing scene daw ang eksenang unang kinunan.
After nga raw ng nasabing eksena ay naging laman na ng biruan sina Jerico at Kris na baka raw after ng shooting ng pelikulang ito ay magka-debelopan na, lalo na’t pareho naman daw single ang dalawa at walang sabit.
Pero para kay Kris, mas gusto raw muna nitong maging single habang ginagamot ang kanyang sugatang puso, lalo na’t kabi-break pa lang nila ni Jay Perillo na may bago nang pag ibig. Mas gusto raw nitong mahalin at ma-in love muna sa kanyang blooming career kaysa maghanap ng bagong pag-ibig.
ISA SI Arjo Atayde among new batch of young actors na pasok na maging importanteng artista sa hinaharap, dahil na rin sa angking galing nito sa pag-arte na sinamahan ng pagiging mabait at ma-PR at ni katiting ay wala kang makikita o mararamdamang yabang.
At kahit nga napapabilang sa may sinasabing pamilya at anak ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez, very down to Earth ito at mahusay makisama at maalaga sa kanyang mga loyal fans.
At dahil nga sa positibong feedback sa kanyang acting sa katatapos na soap ng ABS-CBN na E-Boy, paniguradong may bagong projects si Arjo sa Dos na magpapakita na naman ng kanyang husay sa pag-arte.
MARAMING HUMANGA sa acting na ipinakita ng isa sa member ng XLR8 na si Arkin Del Rosario sa Maynila na ipinalabas noong Saturday, kung saan nakasama nito ang young stars na sina Nadine Lustre at ang co-XLR8 Member nito na si AJ Muhlach mula sa mahusay na direksiyon ni Phil Noble.
Bago kasi napasama sa sikat na boyband si Arkin ay isa itong stage actor, kung saan nahasa ang kanyang galing sa pag-arte at minsan na rin nga itong nanalo nilang Best New Theater Actor sa isang award-giving body na pang-teatro.
Wish nga ni Arkin na mabigyan siya ng acting project sa GMA-7 na pang-primetime, kung saan gusto nitong makasama ang kanyang showbiz crush na si Kris Bernal. Bukod sa TV show, gusto rin ni Arkin na magkaroon ng pelikula na may temang drama o komedya. ‘Yun na!
John’s Point
by John Fontanilla