Sharon Cuneta, bakasyon agad pagkatapos mag-judge sa talent show

Sharon-Cuneta-With-KidsPAGKATAPOS NA maging celebrity judge sa Your Face Sounds Familiar ni Megastar Sharon Cuneta, tila napagod ang aktres sa weekly taping ng show at ang magkasunod na live performances last weekend (sa Grand Finals).

Umalis last Monday si Sharon patungong Thailand (her favorite Asian beach destination) kasama ang tatlong mga anak para sa kanilang extended summer vacation. Kasama ni Shawie ang dalawang anak na dalagita at ang bunso na si Miguel minus former Sen. Kiko Pangilinan na busy sa kanyang trabaho.

Bago siya umalis, nag-leave ng short message si Mega sa kanyang FB followers: “Thank you so much for watching all 13 weeks of Your Face Sounds Familiar! Congrats to Grand Champ MELAI! This morning (Monday); left for Thailand and the beach with my babies. Missing Daddy who had to stay behind to work, but having fun already! Have a great week ahead, everyone! God bless us all and lots of love always.”

Sa beach holiday ni Mega with her kids, hindi kasama ang anak na si KC Concepcion. Sana huwag bigyan ito ng ibang kahulugan ng mga intrigero’t intrigera.

Kailan kaya magkakaroon si Shawie ng sarili niyang show sa Kapamilya Network? Sana, malapit na.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJoross Gamboa, sigurado sa kanyang gender kaya ‘di takot mag-bading
Next articleSen. Grace Poe, parehong iisnabin sina PNoy at VP Binay

No posts to display