TODAY IS SHARON Cuneta’s birthday, and here’s one wish from a former family friend, ang taong umano’y nangulimbat ng mana mula sa kanyang yumaong ama, si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta.
“Happy birthday, Sharon… sana tinanong mo muna ako kung totoo ngang sa akin napunta ang mana ng tatay n’yo. Sikreto ang ipinamana sa akin ng tatay mo,” thus were the words of Sharon’s father’s former aide-de-camp whose name I shall not also divulge kung paanong hindi naman siya pinangalanan ni Megastar.
Kasagsagan ‘yon ng promo for Mano Po 6 for which Sharon was named Best Festival Actress. Du’n nga isiniwalat ng aktres ang kanyang malaking hinampo sa taong lubos na pinagkatiwalaan ng kanyang ama, to whom their inheritance money she believed had been bequeathed.
It was just this Monday nu’ng pumalag na ang taong tinutukoy ni Sharon, whose call awakened me para ipaliwanag ang kanyang panig. Early on, naisulat ko na that I am privy to his identity albeit unnamed.
As a cardinal rule in journalism, narito ang pahayag ng taong ‘yon bilang reaksiyon sa mga alegasyon ni Sharon as if to give the aggrieved party equal editorial space to vent his side.
Ano raw bang mana ang hinahanap ni Sharon na natangay sa kanila? Hindi pa raw ba sapat ang ilang ari-ariang ipinangalan mismo ng kanyang ama, kabilang dito ang bahay ng aktres sa North Ridge, Los Angeles, California na nabili sa halagang $630,000? It’s the same property raw, according to my source, which Sharon sold when her dad was very sick.
Hindi pa raw ba mana na maituturing ang isang ari-arian somewhere in Tagaytay na ipinangalan ng nasirang mayor ng Pasay City sa kanyang maybahay na ina ni Sharon? Maging ang apartment sa bandang Dominga, Pasay City na iniwan sa kanila that Sharon eventually disposed of?
Labindalawang taon na raw iniisyu ng pamilya Cuneta ang umano’y nawawala o ninakaw na mana mula sa kanila, yet given too long a period of time ay bakit daw walang pormal na asuntong isinasampa ang mga ito laban sa umano’y itinuturong nangulimbat ng kanilang dapat manahin?
“Nagpunta pa ako noon sa burol ng dati kong amo, nand’un ang mga Cuneta, bakit hindi nila ako hinarap? Ang tagal nang isyu ito, twelve years na akong wala sa tatay ni Sharon, yet ‘pag may pelikula siya o panahon ng pulitika, eh, binubuhay nila ang isyu,” himutok ng aking source.
The man being accused couldn’t help but relive his 27 years of loyal service to Sharon’s dad with bitter disappointment. “Ano ang sabi ni Sharon? Ang lumoko raw sa kanilang ama, eh, taong pinagkatiwalaan nila, taong hindi nila kadugo pero pinagkatiwalaan ng tatay nila… sino sa amin ang nakakatawa? Bakit ako na hindi naman nila kadugo ang pinagkatiwalaan, pero silang mga anak, pinagkatiwalaan ba ng ama? Kaya ang tanong ko kay Sharon, ano pa ba namang mana ang hinahabol nila?”
Para kay Sharon at iba pang kaanak ng Megastar, bukas po ang kolum na ito para sa inyong reaksiyon. To Sharon, I hope I didn’t spoil your birthday.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III