OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Thanks God it’s Friday, kaya naman ayan, tutok lang kayo sa mga chikka dahil maloloka talaga kayo sa Earth!
Sabi nga ni Sharon Cuneta, ‘di bale nang mataba huwag lang maging sinunga-ling. Pinag-uusapan pa rin ang hindi pagkakaunawaan ng mag-tiyang Sharon Cuneta at Helen Gamboa dahil may pinanggalingan daw ang kanilang iringan na ayon sa kanila mismo ay pulitika.
Ganito ang simpleng sinasabi ni Helen sa isang interview sa kanya: “Siguro ‘pag masyadong yumayaman ang isang tao, nag-iiba, nakakalimutan na ang roots. I feel that it is not right na ang pamangkin ko ay masyadong matayog.” Taray!
Heto naman ang tweet ng side ni Sharon, kabilang pa sa ibang tweet ni Sharon: “Blood is not always thicker than water I’d rather be a fat than a liar at one day I shall give my side For now I let God take over. MY CONSCIENCE IS CLEAR, I pray for other to be enlightened even as they envade the real issues and try to turn me on, us God sees. God knows and I will be still for now.”
Doon naman sa sinabi ni Helen na “ang tao ‘pag yumayaman na nakakalimutan na ang lahat”, sagot naman ni Sharon, bata pa lang siya ay mayaman na.
Anyway… well, sana maayos na ang mag-tiyahin ang kanilang gulo na walang nakaharap na kamera. Pero I doubt… ‘pag pulitika ang pinagmulan, walang kamatayan.
Kayo, ano’ng masasabi n’yo? May nagsabi na nga, kung wala ang mga Sotto, walang Sharon Cuneta.
Kung ako ang tatanungin n’yo, oo. Kasi sina Tito, Vic at Joey ang nag-motivate kay Sharon na maging isang singer. ‘Yun na!
ANOTHER CHIKKA naman itey na isa sa bagong American Idol ngayon na si Jessica Sanchez, kinakarma na raw agad.
Ayon sa message ni Ogie Cruz from California, isang writer sa Asian journalist, kung saan ay kapit-bahay niya ngayon ang singer, ang laki na raw agad ng pinagbago ng mag-inang Jessica, kasi ang hirap na raw interbyuhin. Pero ‘pag mga puti ang nag-i-interview ay napakadali raw mag-effort ng mag-ina.
Kung ako naman ang tatanungin, mukhang malakas talaga sa American audience si Jessica Sanchez, kasama ng nag-agree sa mga hurado ng American Idol ay sina J-Lo, Randy Jackson at Steve Tyler, pero ang mga Fil-Am natin sa fb at twitter, medyo so-so raw ang naging performance nito sa second round of elimination ng top 12.
Kasi raw ay hindi buma-gay ang boses ni Jessica sa napili niyang kantang Turn The Beat Around ni Gloria Estefan, nakulangan ng energy at effort. Pero kahit papa’no si Jessica pa rin ang favorite sa 10 natitirang contestant.
Marami raw American media groups ang ikinakampanya siya, kaya dapat tayong mga Pinoy, unawain na lang natin kung sa ngayon ayaw niyang magpa-interview sa atin. Baka naman ‘yun ay may kinalaman ang mga organizer ng American Idol, na bawal muna ang interview.
Dahil kababayan pa rin natin siya, isa pa rin siyang Pinoy. Suportahan na lang natin si Jessica Sanchez.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding