NAGING EMOSYONAL si Megastar Sharon Cuneta sa performance night ng Top 4 grand finalists ng Your Face Sounds Familiar na ginanap sa Resorts World nu’ng Sabado. Hindi napigilan ni Sharon ang mapaiyak habang nagbibigay ng comments sa performance nina Melai Cantiveros, Nyoy Volante, Jay-R at Edgar Allan Guzman.
Sey ni Sharon, mami-miss niya ang lahat ng performers ng programa and she’s also very honored na isa siya sa naging jury ng Your Face Sounds Familiar. Sobra rin daw siyang sumasaludo sa galing at talento ng 4 na finalists.
As expected, nagpakitang-gilas ang Top 4. Si EA ay ginaya si Chris Brown at sing and dance pa siya. Binuhay naman ni Jay-R si Frank Sinatra. Nag-ala Miley Cyrus naman si Melai at si Nyoy ay binuhay rin ang divas of all divas na si Whitney Houston.
Nasa audience naman to watch the show si Superstar Nora Aunor who is obviously rooting for EA.
Ini-announce din nga pala ni Billy Crawford na host ng programa na magkakaroon ng season 2 ang Your Face Sounds Familiar. Sina Sharon, Gary Valenciano, at Jed Madela pa rin kaya ang jury?
La Boka
by Leo Bukas