Si Megastar Sharon Cuneta, papasukin na rin ang indie film. Yes! Makiki-indie na rin si Shawie sa kanyang pagbabalik-pelikula.
Ito ang balitang pinag-uusapan last weekend nang ilabas ang listahan ng mga pelikula na kasali sa 2017 Cinemalaya Independent Film Festival.
Sa Facebook posting ng kaibigang Ibarra Mateo (na isang film, art and theater critic) ko nabasa ang balita.
Sa 10 independent films na napili, isa sa mga kalahok ay ang pelikulang “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” ni Mes de Guzman na minsan na ring nagdirek kay Nora Aunor sa pelikulang “Ang Kuwento ni Mabuti”.
Sabi ko nga kay Ibarra, boringga (read: boring) ang pelikula, na sablay rin sa takilya.
“It’s an acquired taste to appreciate him (Mes),” tugon sa amin n Ibarra na dati nang manunulat ng Panorama at The Who during the Marcos regime.
I just don’t know kung ang project na ito ni Shawie for Cinemalaya ay mas mauuna kaysa sa pelikula na pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion.
For this this year’s Cinemalaya 2017 entries, kabilang sa full-length feature category ang mga sumusunod: “Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa (My Teacher Who Doesn’t Know How To Read) by Perry Escaño starring actors Alfred Vargas, James Blanco, and Mon Confiado, and kid actors Miggs Cuaderno, Marc Justin Alvarez, and Micko Laurente; “Baconaua” ni Joseph Israel Laban na kabilang sina Elora Españo, Teri Malvar, JM Salvador with main support Bembol Roco; “Bagahe” (The Baggage) by Zig Dulay stars actress Angeli Bayani; ang “Nabubulok” na pelikula ni Sonny Calvento with actors Gina Alajar, Billy Ray Gallion, and JC Santos in the cast; at “Pacboy” ni Thop Nazareno.
Kasama rin ang mga pelikulang “Requited” directed by Nerissa Picadizo featuring actors Jake Cuenca and Anna Luna; “Respeto” ni Direk Treb Monteras II na kinabibilangan ng mga rapper na sina Abra at Loonie; “Sa Gabing Nanahimik ang mga Kuliglig” na pelikula ni Lionel Benjamin Arondaing na kinabinbilangan nina Ruby Moreno, Alex Medina, Karl Medina, at Ronwaldo Martin; at ang pelikulang “Unang Patak ng Ulan sa Buwan ng Mayo” (The First Drop of Rain in the Month of May) na idinirek ni Cenon Obispo Palomares na pinagbibidahan nina Rosanna Roces, Micko Laurente, and Laila Ulao.
Ang Cinemalaya 2017 ay magaganap sa August 3 to 14 sa Cultural Center of the Philippines at sa mga Ayala Malls Cinema.