SHARON CUNETA, HUMIRIT NA AGAD NG BAGONG SHOW SA DOS!

HOW TRUE NA balik sa musical si Sharon Cuneta pagkatapos ng kanyang music search para sa talentadong female singers? Totoo kaya ang tsikang nakarating sa amin na kinausap ni Sharon ang pamunuan ng Dos at sinabing gusto niya ng isang musical shows?

Pinagbigyan naman daw ang singer-actress, kaya after ng kanyang show na nagtapos na kahapon ay meron nang nilulutong bagong programa para sa kanya. Ang tsikang nakarating sa amin, ayaw mabakante sa trabaho ni Sharon. Gusto niya ay continuous ang kanyang exposure sa TV.

Sa April pa kasi ipalalabas ang bagong show ni Sharon about losing weight. Between now and April ay ilang buwan din siyang mawawala, kaya naman gusto niya ng isa pang show.

True ba itetch, Sharon?

BLIND ITEM: TALAGA palang nalulong sa drugs ang isang napakagaling na young actor. Kuwento ng isang production staff sa amin, kahit sa taping ay hindi nagpapaawat ang actor sa paghithit ng Marijuana.

Sa isang taping nila sa isang squatter’s area ay nasa isang sulok ang aktor at nag-iisa. Tinanong niya ang isang staff kung puwede niyang gawin ang kanyang bisyo. Sinabihan siya na medyo lumayo siya nang konti para hindi maamoy ang hihithitin niyang Marijuana. At since basurahan ang kanilang setting, hindi nabisto ang aktor sa kanyang bisyo.

Ngayon ay wala na ang career ng premyadong aktor na ito. Kawawa naman siya dahil may anak pa naman siyang dapat alagaan.

AMBITIOUS PROJECT NI Gov. Jeorge Estregan ang El Presidente na tungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo. Sabi ni Gov. Estregan, P100 million ang budget nila.

“Well gagawin namin dapat noong panahon ni Erap, kaya lang nagkaroon ng trial kaya nag-pull-out ang lahat ng investors. Naintriga ako doon sa pelikula niya dahil hanggang ngayon wala pang pelikula tungkol kay Aguinaldo,” tsika ni Jeorge.

“Isa siyang bayani at talagang mabigat ang kanyang pa-kikipaglaban para sa kalayaan at demokrasya. Naitayo niya ang first Philippine Republic, first National Anthem, first Constitution.”

Since 1998 pa ito pinaghandaan kaya more than 10 years ang paggawa ng Aguinaldo. “We talked to historians. We got all the books. We spent money to translate the Spanish manuscript sa Tagalog at English,” dagdag pa ng governor.

“Sisiguruhin ito’y maipagmamalaki natin sa global film market at sa Hollywood. Nakakalungkot na maraming pelikula ang ini-exhibit sa abroad tungkol sa prostitusyon, tungkol sa illegal gambling, corruption sa Pilipinas. Ito’y isang feel good film na maipagmamalaki natin na tayo ay isang Pilipino.”


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleDJ MO TWISTER, MAHIRAP KATRABAHO?
Next articleNaka-video kaya? HAYDEN KHO, HUBO’T HUBAD NA IPINAGLUTO SI VICKI BELO!

No posts to display