Sharon Cuneta, kinikilig pa rin kay Richard Gomez

Richard-Gomez-Sharon-CunetaMULING MAGSASAMA sa isang proyekto sina Sharon Cuneta at Richard Gomez!

Ito ay sa Madam Chairman, ang primetime series ng Megastar sa TV5.  Noon pa na ito binabalak ng production team, pero finally ay naset na ang guesting na ito ni Goma.

Kagabi (January 16) naganap ang taping ni Richard on the set ng Madam Chairman, sa isang restaurant sa Quezon City.

Siyempre pa, tsika ng production insider, super excited si Sharon noong una pa lang malaman na kumpirmado na ang guesting na ito ni Richard.  Bubbly as she is, si Shawie pa nga raw ang nagtatanong if nag-OK na si Goma.

Maganda rin kasi ang pinagsamahan nina Sharon at Richard over the years na nagsama sila sa mga ‘di malilimutang movies na ginawa nila noong 80s and 90s.

Sa excitement ni Sharon, nagbiro pa ito sa staff na ‘wag na raw kumuha ng separate tent for Richard sa set, para sa iisang tent na lang sila ng dating boyfriend, at doon “mag-bonding” muli, and maybe reminise beautiful memories.

Nakakatuwa rin ang support na pinapakita ng TV5 sa Megastar dahil ginawan talaga nila ng paraan ang guesting na ito ni Goma, kahit we heard na mataas ang TF o talent fee na hiningi ni Goma, pero swak pa rin!

Masaya kasi ang Kapatid Network dahil sa ganda ng feedback sa televiewers sa show, at sa TV5 standards, mataas ang nakukuhang rating ng show, ayon pa sa business unit head na si Joan Banaga.

Gusto raw kasi ng tao sa panonood ng TV ngayon sa gabi na light drama na may light comedy lang ang pinapanood nila, and dito successful ang writer-director team nina Jose Javier Reyes at Joel Lamangan, respectively. Second unit director din si Soxie Topacio.

Going back to Goma, hindi raw maitago ni Shawie ang excitement na makatrabaho muli ang dating leading man niya.

Totoo ba na in jest ay nag-joke pa si Sharon na ang term o description niya kay Goma ay “my one greatest love”? Or something to that effect. Obvious na na-miss ni Mega ang itinuturing na Adonis of Philippine Cinema.

Kung paniniwalaan ang chika ng insider, “hindi raw mapakali” ang Ate Shawie, sa previous taping day nang malamang kumpirmado nang guest si Goma. Na sa unang offer pa lang daw ng TV5 sa aktor ay umoo na ito agad.

Kung Sharon-Goma fan ka noon with their successful team up on the big screen, masayang abangan ang Madam Chairman sa mga susunod na episodes nito sa TV5.

SHOWING NA sa January 22 ang Mumbai Love na isa namang cross cultural comedy film starring Solenn Heusaff, kasama ang new film actor na si Kiko Matos, mula sa Capestone Pictures, isang bagong tatag na film outfit owned/ founded by Neil Jeswani, isang Indian na ilang taon nang naninirahan sa ‘Pinas.

Nakakatuwa naman at may mga umuusbong na new film producers para sa industriya tulad ni Neil, kaakibat si Minco Fabregas, anak ni Jaime Fabregas, na chief operating officer naman ng kumpanya.

Sina Solenn at Kiko ay magpapakilig naman sa mga moviegoers na mahilig sa rom-com, lalo na’t dinayo pa nila ang India upang mag-shoot, pero may scenes din taken sa ‘Pinas, mula sa award-winning director na si Benito Bautista.

Ang Mumbai Love ay love story ng isang Indian guy na mai-in love sa isang Pinay pero dahil may tradisyon ang Indians na ipakasal sa kapwa Indian, ipaglalaban ng lead actor (Kiko) ang pag-ibig nito sa Pinay (Solenn).

Kasama rin sa movie sina Jayson Gainza (na nakakatawa rito bilang nanay-nanayan ni Solenn), Martin Escudero, Raymond Bagatsing, introducing Romy Dayrani na swak na swak naman as sidekick/ cousin of the lead actor.

Check out the fan page >> https://www.facebook.com/MumbaiLoveTheMovie

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleAng Lunar Halo at mga lumang paniniwala
Next articleNora Aunor, ‘di nag-renew ng kanyang green card

No posts to display