IT’S OFFICIAL, wala na si Sharon Cuneta sa Singko, ang istasyong walang viewers. Ini-release na siya ng Kapatid kuno network. Sobrang happy ngayon ang Megastar dahil naging maayos ang pag-alis niya sa nasabing network. Five years contract ang pinirmahan ni Mega sa TV5 pero nakaka-three years pa lang ito.
Sa totoo lang, kahit anong klaseng TV show ang gawin ng Singko, mapa-game show, reality show, teleserye, etc., hindi makaagapay sa GMA-7 at ABS-CBN. Palibhasa walang kakuwenta-kuwenta ang kanilang mga palabas kaya mananatili silang kulelat sa rating. Kung baga sa pelikula, palaging flop ang kanilang mga palabas.
Kahit gaano kasikat ang mga artistang kunin ng Singko, hindi makaangat-angat sa rating. Tuloy, nawawala ang star value ng isang sikat na celebrity kapag naging contract star na ng Kapatid Network. Sumasadsad ang career at nawawalan ng product endorsement. Mabuti na lang at nakakawala na si Sharon sa TV5.
Ngayon libre na si Mega na mamili ng network na gusto niya makatrabaho, alin sa Kapuso at Kapamilya ang kanyang pipiliin? Mas bibigyang-halaga kaya ng singer-actress ang GMA-7 kung saan siya unang nakilala at sumikat bilang co-host ni German Moreno sa noontime show Germs Special? Bibigyang-halaga kaya ni Mega ang ABS-CBN na ilang dekada rin naman siyang itinuring na Kapamilya? Isang malaking question mark at palaisipan ito sa mga fans at supporter ni Sharon Cuneta. Kayo, aling network ang sa tingin ninyo ang makakabuti para sa nag-iisang Megastar?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield