INIINTRIGA NGAYON si Sharon Cuneta sa hindi nito pagsama sa Christmas Station ID ng TV5. Sinasabing nagtampo raw ito dahil inilipat na sa Broadway Centrum ang taping ng kanyang show na“Sharon Kasama Mo, Kapatid.” ‘Yung bagong game show ni Willie Revillame na “Wow, Wow, Willie ay sa Delta Theater na gagawin sa bagong timeslot starting first week of January 2013.
Nang dahil sa pangyayaring ito, binibigyang-kulay ang hindi pagti-taping ni Sharon ng kanyang show kaya kung anu-anong intriga ang binabato ngayon sa Megastar. Tahimik lang ang singer-actress, ayaw nitong mag-comment tungkol sa issue. Maging ang TV5 deadma lang, hindi namin maramdamang binibigyan ng Kapatid network ng importansiya si Sharon. Kung sakaling sumama man ang loob nito sa nasabing network, nararapat lamang. Kapag gustong okupahan ang dati mong bahay, bigla ka na lang paaalisin. Ganu’n ba ‘yun?
SURE WINNER na raw si Nora Aunor for best actress sa darating na Metro Manila Film Festival. Posible ngang makuha niya ang award dahil sa naiibang acting power na pinamalas niya sa indie film na Thy Womb na dinirek ni Brillante Mendoza.
Kahit raw walang ka-effort-effort ang pinakitang galing ni Ate Guy sa nasabing pelikula, lumabas pa rin ang pagiging actress nito. Wala na kasing dapat pang patunayan ang Superstar kung acting din lang ang pag-uusapan.
Maging sina Angel Locsin at Angelica na makakalaban ni Ate Guy bilang best actress ay tanggap na nila ang kanilang pagkatalo kung sakaling si Nora ang tanghaling best actress sa MMFF. Isang malaking karangalan para sa dalawa na maging katunggali nila ito.
Kung ang Superstar ang tatanungin, hindi na nito iniisip pa ang award. Magampanan lang niya nang tama ang character na pino-portray niya, masaya na ito. Gusto lang niyang ma-appreciate ng manonood ang kanyang pelikula.
Hinuhulaang papasok sa top five ang Thy Womb at El Presidente ni Gov. ER Ejercito kahit seryoso ang tema ng istorya nito. Ang maglalaban naman sa number one top grosser, ang pelikulang Sisterakasni Direk Wenn Deramas at Si Agimat, Si Enteng at Si Ako nina Sen. Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos. For best director, maglalaban sina Direk Brillante at Direk Mark Meily. Maging sa best picture category, parehong pelikula nila ang maglalaban. Pero maugong ang balitang si Brillante ang mananalo for best director pero ang best picture naman ay mapupunta kay Direk Meily. Walang duda na si Gov. E.R Ejercito ang mananalong Best Actor. For sure, hahakot ng awards ang epic film ni Governor.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield