BLIND ITEM: Controversial these days ang isang retired actress if only for her son’s involvement in an old romantic issue now being talked about again. Bale ba, it’s her word against a showbiz mother and her daughter na dyowa dati ng kanyang anak until she got pregnant by another man.
Hindi naman itinatanggi ng dating aktres ang kanyang pagkaayaw sa ex-girlfriend ng kanyang anak. She would rather want her son finish his studies abroad. Ito ang tunay na dahilan ng kanyang pananabla sa aktres, and not because she bore a child out of wedlock.
All over in print tuloy ang mga pahayag ng dating aktres, prompting her partner to admonish her: “Sabi ba naman ni Papey, ‘Oy, tumigil ka na nga sa kakadakdak!’ Siguro, inisip niya ‘yung lumabas sa tabloid (hindi rito sa Pinoy Parazzi) na nagpa-
interbyu ako sa isang radio program. Actually, there was no radio interview. Simpleng kuwentuhan lang ‘yon off-air, na ikinuwento na lang sa program ng naka-board na reporter.”
Da who ang erstwhile actress na ito? Ang pagkapanalo niya sa isang small-time beauty search noong dekada otsenta ang ka-nyang claim to fame, pero nabighani naman niya ang isa sa mga makapangyarihang lalaki sa bansa.
NOTHING COULD be more self-deprecating than Sharon Cuneta’s confession—in the recent episode of TV5’s Ang Latest—that she regretted having retaliated against her Twitter bashers.
Kilala ang Megastar for being straightforward—not necessarily tactless like a fellow TV host-actress(?) that showbiz world has ever known—palibhasa, she speaks her mind. Keber kung ang public perception kay Sharon ay nagsusumixteen at her 40 plus age coupled with the impression that she’s not exactly a celebrity with a modicum of candor.
Whatever, between Sharon din lang and sino-nga-ba-‘yon?, the former has high respect for anyone’s individuality kung paanong she, too, expects the same level of respect be accorded to her. After all, 35 years in the business—by whatever language (or mathematics?)—is enough proof beyond any showbiz luminary’s longevity.
Sa nakaraang edisyon ng Ang Latest, inamin ni Sharon na pinagsisisihan niya ang pagpatol sa personal affront (read: pang-ookray) sa kanya sa nasabing social media, damay pati ang kanyang pamilya. Sharon is just human like anyone of us who gets affected, hurt and angered.
Nagkataon pang her detractors have aimed at where she derives the most intense pain from: ang kanyang anak na si KC Concepcion in the face of Piolo Pascual supporters. Napaiyak si Sharon, a reaction that couldn’t be helped. Aniya, igalang man lang ang kanyang maraming taon sa industriya that does not deserve such unfair, blatant attacks.
Para sa amin, it had to take a great deal of courage para maamin ni Sharon ang kanyang pagkakamaling patulan ang kanyang mga kaaway sa Twitter on national TV. She knew well that touching her detractors with a 10-foot pole, so to speak, was unbecoming of a superstar.
With her owning up to probably the most stupid mistake she has ever committed in her 35 years in this intrigue-laden business, harinawa’y maging hudyat na ‘yon ng simula para hindi na pumatol pa si Sharon sa mga katsipang tweets na ang tanging layunin lang naman ay buwisitin siya nang bonggang-bongga.
Now, if such destructive tweets can burn her fats, then go, go, go!
TRUE TO their roles, kinarir ng APT Entertainment at M-Zet Productions ang concept sa presscon ng D’ Kilabots Pogi Brothers Weh?.
Street food abounded at the doorstep of the venue, ang Casa Pura, dahil tindero si Jose Manalo (bilang Justin) ng fish balls, squid balls, kikiam, etc. while his younger brother Bruno (played by Wally Bayola) is his competitor na nagtitinda naman ng lugaw.
Originally, this year’s biggest comedy film of the year bago ang Metro Manila Film Festival ay pinamagatang Sa ‘Yo Ang Pritil, Akin Ang Bangkusay. Both densely populated areas are located in Tondo. Pero ayon kina Jose at Wally, gone are the “chaotic” days of such places, malaki na raw ang ipinagbago bago ng mga pook na ‘yon, maging ang mga residente roon.
Love interest ni Jose sa DKPBW si Solenn Heussaff, while Wally gets Pokwang na noong umpisa ay pinag-aagawan ng magkapatid.
Showing on November 28, agaw-eksena rin si Paulo Ballesteros sa presscon. He plays a cross-dressing gay assistant to Jose whose lines are inspired by the famous quotable quotes lifted from the classic dramatic movies.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III