HABANG ANG ilan sa showbiz ay nagpoprotesta sa naganap sa Maguindanao last week para magdalamhati ang buong sambayanan sa kinahinatnan ng Fallen 44, ang ilan sa showbiz celebrities natin ay may kanya-kanyang sentimyento.
Si Sharon Cuneta, tahimik man ngayon sa kanyang sariling mundo ay may mensahe. Ayon sa Megastar, “My heart bleeds for and is with you, our heroes, SAF 44. You are in God’s hands now, where there is no pain, no fear. I mourn for you and the families you have left behind, and will be forever grateful to you for your contribution to me and my loved ones’ peaceful lives, as I’m sure the whole country is. My heart is also with you all, ang iba pang mga nasaktan na bayani ng bayan, at ipinagdarasal ko ang inyong mabilis na paggaling… Maraming, maraming salamat po sa inyong sakripisyo at malasakit sa aming lahat. May our heavenly Father bless all of you now and always.”
Si Jomari Yllana, galit at pagko-kondena sa kaganapan na pagpatay sa 44 na SAF ng PNP. Vocal si Jomari na sinasabing, “IKAW NA ANG PINAKATANGANG PRESIDENTE…” (in all caps) sa post niya sa kanyang Facebook account.
Masakit sa tenga. Masakit sa loob, pero ‘yun ang katotohanan.
Saad ni Jom sa kanyang FB: “Ang akala nila, parang video game lang… Nag-ensayo lang at pinasubukan… Sigurado ako, kahit dati na hindi ka corrupt… Pero, garantisado na ako na isa ka ngang tanga! Lahat ng nasa gabinete mo mandarambong. Sana, pagkatapos dumaan ng sasakyan ninyo sa daan na nagkukunwaring matuwid ay dumiretso na rin ito sa impyerno…” diretsahang pahayag ng aktor.
Maging si Judy Ann Santos, umabot sa pag-a-unfriend ni Kris Aquino nang mag-post sa kanyang Instagram acount para magbigay ng kanyang opinion.
Dismayado si Juday sa hindi pagsalubong ni PNoy sa Fallen 44 nang dumating ito sa Villamor Airbase at mas binigyan pa nito ang prayoridad ng opening ng isang planta ng kotse kung saan pinost din niya ang picture ni US President Obama na kinansela ang appointment nito para salubungin ang mga namatay na mga US soldiers sa kanyang bansa.
Ang photo caption ni Juday, “Just saying, Obama knows his priorities.”
Ang ma-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ang balita, kasama sa mga celebrities na in-unfriend ni Kris dahil sa opinion nila about the Fallen 44 incident.
Nang makausap namin si Ogie at the birthday party of writer Rodel Fernando, “Hindi ko alam kung totoo. ‘Yun ang balita ko. Papaano ba malalaman na in-unfriend ka ng isang kaibigan mo?” tanong niya sa amin.
Pero last Monday evening, nang i-unfriend diumano ni Kris ang mag-asawa in-add din niya ang mga ito after after almost 12 hours na pagtatampo sa dalawa.
SA HIRAP ng buhay ngayon (lalo na tuwing first quarter ng bagong taon) na sinabayan pa ng pagtaas ng halaga ng gasolina, ang pagpaslang sa Fallen 44, ang corruption sa bansa, kung mahina-hina ka, malamang sa hindi, susuko ka.
Hindi ka makikipagsabayan sa agos ng buhay. Aatras ka. Hindi ka susugal para maka-survive.
Mabuti na lang, may mga tao sa paligid na handang umalalay. Sa kaso ko na naaksidente last April 2014, kung hindi marahil sa lakas ng loob at tulong at pag-aalalay ng mga kaibigan, baka desperado na ako.
Kaya parang gusto ko na ring pasukin ang maliit na negosyo na madali ang pera. Oks ang sari-sari store na kaliwaan ang bayad at makikita mo kaagad ang pera mo at kinita. Yun nga lang, bawal ang utang.
Gusto ko ring pasukin ‘yong bagong gimmick na p’wedeng pagkakitaan na computer set with internet connection na huhulugan mo lang ng barya. P’wede ‘yun sa espasyo sa harap ng bahay ko. Sa halagang piso, not bad na may four minutes DSL time ka para mag-internet, mag-Facebook, at makipag-chat online.
Kausap namin si Mr. Gary Dujalti ng PLDT at na-explain niya sa amin ang tungkol sa KaAsenso Cyberya na bagong produkto nila.
Hindi kumplikado ang paper works. Just apply a Barangay Permit, oks na ayon sa kanya. Hindi na kailagan ng business permit na napakamahal lalo na sa Quezon City na isa sa may pinakamataas na buwis na sinisingil sa mga maliliit na negosyante.
Interesado ang mga showbiz friends namin na subukan ang maliit na kabuhayang Cyberya. Si Dominic Rea at Vinia Vivar interesado. Ako rin, kasya siguro ang apat na unit sa panimula.
Sana sa 2015, suwertehen ako sa papasukin kong maliit na negosyong ito.
Reyted K
By RK VillaCorta