Sharon Cuneta, nag-aaksya lang ng oras sa pagpatol sa mga naninirang blogger

BLIND ITEM: A close reporter-friend — who can pass for this writer’s spitting image — ang napagkuwentuhan noon ng kanyang silahistang dyowa that once upon a time ay nakipag-threesome ito sa dalawang aktor also believed to be gay.

Isa sa dalawang ‘yon ang sumikat noong late 70s, a fresh discovery who was cast in one or two sex-comedy movies; ang isa naman ay pumalaot din sa bold genre but who later became an accomplished stage actor nu’ng mga panahon ding  ‘yon.

Of the two, mas aktibo na lang hanggang ngayon ang pangalawang aktor. Goodbye man to his theatrical exposure, nagsIlbing tagasagip ng kanyang career ang telebisyon, and lately via a much-talked about indie pink film.

Still vivid in our mind ang kuwentong mismong inilahad ng aming kaibigan na naka-orgy-han daw ng kanyang beking dyowa involving the two actors, who have prominent moles in their faces.

Da who ang mga hitod-hitad na ito? Isa roon bears a name that has the same vowel initials, while the identity of  his sexmate can be traced to an inanimate character of a popular children’s show.

FOR SURE, Sharon Cuneta may not welcome this gesture in the face of a blogger’s assault tungkol sa ipinamamalita nitong pamamaalam ng kanyang TV5 show.

Her patience stretched to the limits, mala-bulkan na ring pumutok ang megastar sa mga paninira ng anonymous blogger na ‘yon. Kesyo ang kanyang Sharon: Kasama Mo, Kapatid na kelan lang nagsimula in her newfound home would be axed, at papalitan ng bagong programa.

Duda ni Sharon, this is the same blogger na umaatake sa kanya after her daughter KC Concepcion broke up with Piolo Pascual.

But let this be an unsolicited advice, given her status and stature in the industry, Sharon is expected to be above all this. What seems amiss somewhere ay ang kanyang pagpatol o pag-aaksaya ng kanyang panahon sa kanyang mga detractors sa mga ganitong social networking site.

Sharon — for all her intelligence — should maintain a commonsensical attitude towards her bashers. Unang-una, how can the TV5 top management afford to axe her program gayong balita ngang bilyong piso ang halagang katapat ng kanyang paglipat mula sa ABS-CBN?

Ano ‘yon, pagkatapos mamuhunan ang TV5 kay Sharon, bibitawan nito ang kanilang investment?

Sharon — given her long years in this intrigue-plagued business — should know better. Her achievements, countless at that, should speak for themselves.

Kaya para pag-aksayahan niya ng panahon ang naninirang blogger na ‘yon — for whatever it’s worth — is a precious time wasted, well, unless choosing to stress herself out would mean wanting to shed off extra poundage.

Well then, Shawie, go blogging against your attacker.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJM De Guzman at LJ Reyes, pinatunayan ang pagiging professional actors
Next articleDenise Laurel, ayaw pangalanan ang ama ng kanyang anak

No posts to display