Lumipad papuntang Amerika si Sharon last May matapos ma-depress dahil sa naudlot niyan Hollywood project kasama ang Filipino-American comedian na si Jo Koy nung magkaroon siya ng “false positive” COVID-19 test result.
Sa ginanap na virtual presscon ng pelikula ay hindi napigilang ikuwento ng Megastar ang isa sa mga dahilan nang pagpunta niya ng Amerika. Inamin ng aktres na sumailalim siya sa breast reduction procedure habang nasa U.S.
“Sorry itong strap ng…,” simula niyang pahayag habang inaayos ang paulit-ulit na nalalaglag na strap suot na bra.
“Pwede bang magsabi ng something? Nagpunta ako ng Amerika, di ba? Tumaba ako pero konti lang, may lumiit sa akin. I had my chest reduced,” pagtatapat ni Sharon.
Patuloy ni Sharon, “I gained so much weight and then I breastfed Miel. And after gaining and losing, a lot of it was skin and fats. No, I didn’t have implants. It was all natural.
“But it’s all skin and fats and so I had it reduced.”
Dagdag pa ni Sharon, sumailalim din daw siya sa breast lift procedure at okey lang din daw na malaman ito ng mga tao.
“Sinabi ko na ‘yan sa Instagram. Meron akong ipinost na ‘tingnan niyo nang mabuti itong picture namin ni Pawie (character ni Marco sa Revirginized). Kami ni Pawie yata yon, yung naka-bathing suit ako sa movie, kasi baka may liliit ho diyan, eh,” kaswal niyang pahayag.
Naging emosyonal naman si Sharon nang ibalita sa kanya ng Viva na “breaking records” sa Ktx.Ph ang kanyang pelikula sa may pinakamaraming pre-sold tickets na nag-book. Matagal na raw siyang hindi nakakarinig ulit ng ganung balita.
“I used to break my own records… this news really hit something in me. Thank you. Thank you to my Sharonians. I have the best fans in the world,” teary-eyed niyang pahayag.
Bukod sa Ktx.Ph ay mapapanood din ang Revirginized sa Vivamax simula ngayong Biyernes, August 6, 2021. Ang pelikula din ni Sharon ang magiging kauna-unahang Filipino film na magkakaroon ng theatrical release sa America at Canada sa August 13 pagkatapos ng pandemic.