TIYAK NA marami ang nagulat to learn that Sharon Cuneta donated ten million pesos para sa mga biktima ng typhoon Yolanda.
We learned about it when we saw Sharon’s post sa kanyang @sharon_cuneta12 Twitter account, “@AboitizFDN please expect a check of PHP 5 million from me tomorrow. The other PHP 5 million plus, please expect tomorrow as well, @alagangkapatid. This is how much I believe in you both. God bless VISAYAS. #BangonVisayas.”
Maging kami ay nagulat sa laki ng donation niya. Pero alam naming she was greatly affected by the photos and videos which went viral sa social media kaya naman naantig siguro siya nang todo for her to decide to participate in the nationwide drive to raise funds to the typhoon Yolanda victims.
Sharon explained kung bakit sa dalawang nasabing foundations niya ipinadala ang kanyang donation.
“I just want to let you all know that you can trust the aboitiz foundation and the alagang kapatid foundation of TV5. Sigurado pong makakaabot sa mga nangangailan sa Visayas ang inyong donasyon! Thank you.”
Sa kanyang ginawa ay saludo kami sa ‘yo, Sharon. Mabuhay ka!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas