MATAGAL na panahon bago na-achieve ni Sharon Cuneta ang payat na pangangatawan na napapansin ngayon ng netizens at kanyang mga katrabaho. Hindi raw naging madali ang proseso ng kanyang pagpapapayat.
“I started dieting in January of 2016 but now lang talaga napansin yung loss of weight ko,” pagtatapat niya. “Kasi on and off ako sa dieting. Pag may nakita akong food na hindi ko kinain, I tell myself, ‘What if I’d die tomorrow at hindi ko natikman yan.’ Ngayon tikim-tikim na lang, hindi na isang bandehado,” dagdag niya na natatawa.
Gusto rin daw niyang maging inspirasyon sa mga kababaihang nawawalan na ng pag-asang pumayat kaya nagpursige siyang mag-diet.
Ani Sharon, “They message me and tell me I inspire them. I’m already 55 and I’m happy that I can inspire other women to be healthy. I’m just glad to feel healthier now, so I can see my grandchildren, and I can run with them.”
Isa pang dahilan ng kanyang pagpapayat ay health reason.
“And it’s also for health reason and then bonus na yung you look better on screen. Gusto ko ring maging proud sa akin ang mga Sharonians ko when they watch me naman at excited sila. At saka kung gusto mong maging leading lady you have to look like a leading lady.
“Gusto ko ring gumawa pa ng mga pelikulang… like si Meryll Streep because she did It’s Complicated, na puwede pa rin ako sa ganun.
“That love stories are not exclusive to teenagers and people in their 20s, so I want people in their 40s, 50s, 60s to be inspired that they can be healthy pa and not to loose hope kung sila’y overweight lalo na if they have the health issues coz the older you get the more prone you are to getting diseases. So yon ang iniiwasan ko.
“I’d like to inspire, it’s my offerative word. It’s my driving force, that’s the word that really makes me want to continue working. I like inspiring people in one way or another,” dire-diretsong paliwanag ni Sharon na bida sa pelikulang Revirgnized ng Viva Films mula sa direksyon ni Darryl Yap.