EMOSYONAL SI Megastar Sharon Cuneta na nagbahagi ng kanyang panig sa Ang Latest: Updated ng TV5 noong Sabado.
Ito ay kaugnay sa nakaraang pagpatol niya sa twitter bashers na diumano ay nambabastos sa kanyang anak na si KC Concepcion at sa kanyang pamilya. Kaya naman, nagbuhos din siya ng kanyang emosyon sa kanyang twitter account para ipagtanggol si KC.
Matatandaang, noong November 2, nagulantang ang twitter world dahil sa pagsagot ni Sharon sa bashers na pinaghihinalaang fans ni Piolo Pascual, dating boyfriend ni KC.
Kuwento pa ni Sharon, “Alam n’yo nu’ng gabing ‘yun an’saya-saya kasi namin, ‘di ba an’saya namin sa twitter. May isang sumingit, hindi nakaintindi sa tweets. Alam mo naman… akala n’ya pinaparinig namin ‘yung isang tao na wala talaga.
“Puntahan mo ‘yung timeline ko bago nagkagulo. Ano na naman ‘to, ‘di ba tapos na, sabi n’ya skin move on… paanong hindi kami maka-move on, nanahimik kami. Kumbaga, nagkabutas parang pinagkaisahan ako, sige… isa, sasagutin mo, before you know it an’dami na.”
Pagkatapos daw nito, bumuhos na raw ang mga masasakit na tweets mula sa diumano ay fans ni Piolo. Pinuntirya raw ng tweets ang kanyang anak na si KC at mismong ang kanyang pamilya. Kaya hindi na raw niya napigilan pang ipagtanggol ito.
Depensa niya, “When you become a mother, it is a spiritual and emotional commitment to your children. I-protect sila, ipagtanggol, ipaglaban… sawang sawa na ako sa pang-aabuso ng ibang tao kahit, nananahimik ako.”
Naiiyak pa ring sabi ni Sharon, “Masakit man ‘yung mga tinu-tweet nila, mas masakit ‘yung nagsisi ako dahil sumagot ako… parang pumatol ako na nabigay ko ‘yung gusto nila. I felt worse.
“Alam n’yo po, nagsisi talaga ako na pinatulan ko ‘yung tweets. Pero siguro naman, after 35 years to be treated that way? Siguro naman kahit 10 minutes, nakapagbigay naman ako ng ligaya sa inyo, konting respeto naman.”
Isang malaking pagsubok daw itong nangyari na ito kay Megastar Sharon. Pero isang bagay raw ang naging malinaw para sa kanya, ang manindigan para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Hinging dispensa pa niya, “Pag-pasensyahan n’yo na po ako, ayaw na ayaw ko na pong maulit ‘yung ginawa kong nagpa-apekto sa tweets nila.
“Ang pagkakamali ko… mahal kong masyado ang mga anak ko… nakapagsasalita ka talaga ng ayaw mo talagang sabihin kasi naaawa ako sa anak ko.”
TAWA KAMI nang tawa sa kuwento ng kaibigan namin isang gabi habang nasa isang birthday party kami sa may Malate. Say ng hitad, ‘alam mo bang si Joshua Dionisio ay sobrang mahal maningil kapag may mga kumuha rito para sa shows?’ Sabi ko, ‘weeh ‘di nga. Eh, maniwala pa sana ako kapag Kapamilya star at alam naman nating sikat talaga’.
Say pa nito, ‘oo nga. Ayan, tuloy nawalan ng show. Mantakin mo ba namang gusto raw bumalik sa ABS-CBN, kaso hindi daw siya pinansin dahil sa laki daw ng asking fee nito’.
Ay, may demands na, say pa namin.
Ang ending, hindi nakabalik sa Dos at wala ring show sa GMA. Ngayon daw, patol sa mga guesting-guesting ito na hindi daw nito ginagawa dati.
Dyusme, akala ba namin magko-concentrate ito sa kanyang pag-aaral? Anyare?
Sure na ‘to
By Arniel Serato