Sharon Cuneta, namatayan na, big deal pa rin sa netizen ang pagpapayat

Sharon-CunetaJUICE KO, namatayan na nga ang Megastar Sharon Cuneta ay kumbakit andami pa ring kumo-comment na netizen sa social media na ginagawang “big deal” ang pagpayat ng aktres.

Baka p’wedeng time out muna at hayaan na munang magluksa ang pamilya sa pagpanaw ni Mommy Elaine?

P’wede?

“MOMMY NG Megastar Sharon Cuneta, pumanaw na!”

‘Yan ang sabi ng headline ng isang tabloid. Dapat ba talaga ‘pag namatay o namatayan, laging “exclamation point” ang title?

Isinisigaw ba ‘yan o ipinagbabanduhan o ipinagbubunying namatayan ang isang tao?

Hindi ba pwedeng wala na lang punctuation mark tutal ganu’n din naman babasahin ‘yon.

Bigla ko tuloy naalala ‘yung isang headline sa isang blogsite ng, “Scoop! AJ Perez, patay sa aksidente!”

Tinawagan namin agad ang may-ari ng blogsite para sabihing, “Hindi mo ipinagmamalaki ang kamatayan ng isang tao para lang ipagyabang na ikaw ang nakauna sa balita. Be sensitive naman.”

Mamamahayag tayo, pero huwag din nating kalilimutan na ‘pag kamatayan ng kapwa ang ibabalita, samahan na rin ng pakikidalamhati o pakikiramay ang ating report.

At the end of the day, pinairal mo pa rin ang pagkakaroon mo ng puso sa mga namatayan.

“YOUR JOURNEY to stardom begins here!” ‘Yan ang sey ng lead vocalist ng The Journey sa lahat ng aspiring band members na sasali sa Asian Music Camp na kanyang na-create.

Ito ang newest and biggest Asian music talent competition ng mga bandang gustong sumikat.

Matatandaang sumikat si Arnel Pineda sa YouTube na nag-audition para maging lead vocalist ng The Journey at ngayon ay gustong tumulong sa mga aspiring bands katuwang ang Sanre Entertainment.

“Bands throughout Asia can submit their demo raw music video of one cover song and one original song online (both in English) and not exceeding 8 minutes total for both songs.

“Submission of band raw videos and voting begins Jan. 1, 2015 and ends on March 31, 2015,” info pa ni Arnel.

Kahit sino’y p’wedeng ma-view at bumoto for their fave bands at www.asianmusiccamp.com.

Ang 50 bands who get the most votes ay makakasama sa qualifying round hanggang sa ma-trim down ito sa 20 na ang sampu rito at mag-a-advance naman sa face-off round kung saan live on broadcast na silang maglalaban-laban para sa top 5.

At ‘yung top 5 ay iha-house dito sa isang compound sa ‘Pinas na parang sa kanilang pagtira ay nakatutok ang mga kamera sa kanila while at work o nagpa-practice sila or creating music habang pinanonood ng million viewers around Asia.

Ang magwawagi ay magkakamit ng cash, recording contract, management contract valued up to USD 1M at mentorship by music industry professionals.

At excited na si Arnel dahil makikinabang din sa AMC ang kanyang Arnel Pineda Foundation, Inc. kung saan mga street kids ang nakikinabang.

O, ano, me banda ka ba? Gusto mong maging Arnel Pineda someday? Ayan na ang chance mo at ng iyong banda, i-grab mo na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleDennis Trillo at Carlene Aguilar, balak idemanda ang naaksidenteng school bus ng anak
Next articleSharon Cuneta at KC Concepcion, nagluluksa sa pagpanaw ni Mommy Elaine

No posts to display