MAY HALONG patutsada ang tinuran ni Sharon Cuneta sa launching ng eight shows ng TV 5 which includes her The Mega and the Songwriter show with Ogie Alcasid.
When she said “I’m happier now” during the presscon ay marami ang nag-isip na she was taking a swipe at somebody.
She then explained why she said that.
“Kasi wala pa si Ma’am Wilma noon. Parang kulang ang heart and frankly kulang ng wisom ni Ma’am Wilma sa pag-intindi sa aming mga artista,” sabi niya.
“I don’t know if I can speak for anyone here pero ako in particular, parang ngayon naramdaman ko na I’m part of TV5 family, na I’m a Kapatid, na I’m not just an employee. There’s a big difference being a plain and paid employee and being treated like one and being part of a station as an artist and a resident. Ma’am Wilma, she had run GMA-7 for a long, long time and a lot of that… the heart of that station came from her. When she entered (TV5), parang lumiwanag ang araw,” mahabang paliwanag ni Sharon habang tila pinipigilan siyang magsalita ni Wilma Galvante na nasa tabi niya.
So, sino ang pinatututsadahan ni Sharon, si Perci Intalan ba?
HINDI NAMIN alam kung matutuwa o maaawa kami kay Alex Gonzaga.
Nakakasama kasi palagi ang name niya sa mga soap opera casting but almost always ay “nababaril” ang name niya for reasons unkown to us.
Hindi namin alam kung “nababaril” ang name niya dahil alam ng staff na me attitude siya. Hindi rin namin alam kung marami ang naangasan sa kanya dahil masyado raw feeling superstar ang younger sister ni Toni Gonzaga. May pagka-prima donna rin daw ito.
NAPANOOD NAMIN ang pilot episode ng Tomorrow is Mine (Akin Pa rin ang Bukas, gagah) and we were greatly disappointed.
Napakaluma ng plot, so sixties yata kung hindi kami nagkakamali. It’s about a maid na nabuntis ng anak ng kanyang amo na hindi pinanindigan. Ang anak ni Laurice Guillen na si Ina Feleo ang gumanap na maid at si Gary Estrada ang nakabuntis sa kanya. Ang madir ni Gary na si Liza Lorena ay nagbigay ng alahas kay Ina only to call the police para hulihin siya later.
Ito na yata ang PINAKAPANGIT ng storyline na matagal nang pinaglumaan ng panahon.
Ano kaya ang ginagawa ni Redgie Acuna-Magno na head ng TV drama ng GMA? Bakit niya ipinasa ang ganyang storyline gayong it’s so sixties?
Helllllooooo, 2013 na, ‘no kaya puwede ba, don’t return to the old plots of yesteryears? Mag-isip naman kayo ng magandang istorya sa soap n’yo! Nakabobobo kayo!
GRANDIOSE ANG first birthday party ng kambal na anak ni Joel Cruz na sina Prince Sean at Princess Synne.
Talagang ayaw pakabog ni Joel dahil milyones ang kanyang ginastos sa unang kaarawan ng kanyang dalawang anak.
Ang grand ballroon ng Solaire Resort and Casino Maila ang venue at napakalaki noon. Although it was very big ay naging maliit ang lugar dahil sa napakaraming bisita ni Joel. Siyempre, the invited kids came with their mom or dad, yaya o kaya naman lolo at lola.
The ballroom was transformed into one big party place for kids. Merong dekorasyong lobo sa ceiling at lahat ng tables ay merong naglalakihang palamuti.
The party was a very well-attended affair at talagang nag-enjoy ang mga bata sa mga palaro at giveaways.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas