TILA NA-FEEL ni Sharon Cuneta na her career is not advancing sa TV5 kaya nilayasan na niya ito.
Actually, too late the hero na siya because hindi na siya masyadong nasa psyche ng mga tao. Ang kanyang rants sa Facebook recently ay ang paraan niya na iparamdam sa mga fans niya na narito pa rin siya.
Marami naman ang natuwa at nag-goodbye na siya sa Singko. Nawala kasi nang tuluyan ang kanyang ningning sa network, nawalan ng giya ang kanyang career. Imbes na umabante ay umatras ang kanyang karera.
Ngayon, pahulaan kung saang network pupunta ang megastar, kung sa Dos o sa Siyete.
Ang unang dapat gawin ni Sharon ay magpapayat siya at tigilan na ang kanyang ilusyon na puwede pa siyang itambal kina Gabby Concepcion or Richard Gomez. Dapat ay umalis na siya sa kanyang comfort zone at i-reinvent ang kanyang sarili. Enough of pa-tweetums role, please. Hindi ka na bata, wala ka nang ka-love team.
MODEL-TURNED ACTOR Luke Jickian is focused on his career at ayaw muna niyang mag-girlfriend.
“Ayoko pa. Right now ay nasa prime pa ako ng aking career. Maganda ‘yung work ko recently at nasa peak ako ng sports ko. Ayokong maudlot muna,” chika ng binata sa amin.
Matalino ang girl na gusto ni Luke, mala-lawyer o kaya doctor.
Nag-aral pala ang binata ng acting for film and TV sa New York.
“When we memorize script, malalim. We just don’t memorize the words. Kung ang character namin is from the South, we try to have Southern accent, talagang pag-aaralan namin so I make friends with people living in the South. I try to ask them to teach me (how to speak their language properly),” sabi niya.
He’s also into flag football.
“It’s like tackle football, the difference is that instead of tackling you ay kukunin ‘yung flag. Kailangan maitakbo mo siya sa other end of the field, sa end zone without getting your flag pulled. ‘Pag pinasa sa akin ang ball kailangang iwasan ko ang tao at makapunta ako sa end zone without getting the flag pulled,” kuwento niya.
He and his team are competing in November sa Phuket, Thailand and when they advanced ay sa Stockholm, Sweden naman sila lalaban.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas