Sharon Cuneta, offers P10M as reward for proof of husband’s infidelity

WANTED: PROOF of Senator Kiko Pangilinan’s “illicit family.”

Ito ang matagal na umanong hinihintay ni Sharon Cuneta na mapasakamay niya, for which she’s willing to pay a hefty P10 million to whoever can produce solid evidence.

Mula sa noo’y isang milyong piso, itinaas ‘yon ni Sharon hanggang P3 million, now the figures have reached a tempting level. Katuwiran ng Megastar, hindi raw siya maglalakas-loob na magbigay ng ganu’n kalaking pabuya kung hindi siya nakatitiyak na wala naman talagang naanakan ang asawang mambabatas.

Truth is, the issue has become more like a hackneyed expression, na hindi lang gasgas kundi paulit-ulit pa. Magaling lang daw tumayming ang mga “black propagandists” by bringing back to life what obviously is a dead issue, dahil papalapit na naman ang eleksiyon.

Hindi kaila sa lahat na umuugong ang tiyak nang pagtakbo ni Kiko sa pagka-Bise Presidente, at isang ploy nga naman ‘yon to thwart his candidacy, if not his political career altogether.

Pero may pasubali rin si Sharon kung mapatotohanan ang tsismis. Sey niya, kakailanganin daw niya ng isa pang sampung milyong piso para bumili ng bagong bahay, dahil tiyak na maghihiwalay na sila ni Kiko.

Samantala, balitang target ding sungkitin ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto and puwesto bilang ikalawang pinakamataas na Pinuno ng bansa. A self-confessed Vilmanian, obviously ay susuporthahan daw ni Sharon ang kanyang asawa, in the same manner na kung balak ding tumakbo ni NEDA Director Ralph Recto for the same post, naturally, Ate Vi will be behind her betterhalf.

Pero paglilinaw ni Sharon, she loves Ate Vi very much. In return, kalakip din daw ng pagmamahal na ‘yon ni Ate Vi kay Sharon ang pang-unawa given the circumstances.

KUNG SI Aiko Melendez ang tatanungin, she’s savoring every moment ng togetherness nila ni Bulacan Vice Mayor, Patrick Meneses, thus ruling out even an iota of possibility na mauuwi ‘yun sa kasal.

Sa ngayon, nasa “nurturing stage” pa rin ang closeness ng QC Councilor and her special someone made even more meaningful, dahil kasundo naman ni Pat ang kanyang dalawang anak, sina Andrei (10) at Marhena (4). What’s strangely nice about their partnership, wala itong kahit katiting na kulay-showbiz despite Patrick’s having a handful of friends in the business.

“At the very onset, Pat and I have made the conditions clear, that is, to stay away from intrigues if we want to keep our relationship. Mas maganda kung quiet na lang kami,” sey ni Aiko.

Samantala, there’s no stopping the lady councilor from taking one step higher, ‘yun ay ang tiyak na niyang pagtakbo bilang Bise-Alkalde sa Quezon City. Last of three terms na ito ni Aiko, but she’s stepping down with a well-meaning legacy that her constituents in District 3 will remember.

by Ronnie Carasco

Previous articleErich Gonzales, courted by co-star Xian Lim
Next articleDirek Wenn Deramas, doesn’t like gays as boyfriends

No posts to display