KASAMA na rin sa star-studded cast ng FPJ’s Ang Probinsyano si Sharon Cuneta. Pormal siyang winelcome ng ABS-CBN sa pamamagitan ng story conference na ginanap nitong Martes, Nov. 9.
Ang FPJAP ang long-running action-series ng ABS-CBN na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco Martin na ngayon ay nagdiriwang na ng kanilang anim na taon.
Present para i-welcome si Sharon sa Ang Probinsyano ang ABS-CBN COO of broadcast na si Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, and FPJAP star, director, and creative director Coco Martin himself.
“Sa pagpapatuloy ng ika-6 na anibersaryo ng #FPJsAngProbinsyano, siguradong MEGAganda pa ang gabi niyo! Abangan!” post ng Dreamscape.
Hindi pa ini-reveal kung ano ang magiging role ni Sharon sa FPJAP pero ang balita namin ay siya ang gaganap na ina ni Mara, ang character na ginagampanan ngayon ni Julia Montes. May konek din daw si Sharon kay President Hidalgo na ginagampanan naman ni Rowel Santiago.
Exciting, di ba?
Anyway, ang pagpasok ng Megastar sa Ang Probinsyano ay isa sa highlights ng 6th anniversary celebration ng action-serye na napapanood weeknights on Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page, iWantTFC, WeTV, and iflix.
Viewers outside of the Philippines can watch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.