BLIND ITEM: Nakakalungkot naman kung ang incumbent senator natin ay totoong hiwalay na sa kanyang asawa, dahil ikinasal pa naman sila at very visible noon ang girl sa pukpukang pangangampanya para lang manalo ang kanyang mister.
Anyway, ang nakarating sa amin (na sana ay hindi naman totoo) ay ipinagpalit na ng magandang misis ang kanyang mister na senador sa isang pulitiko rin.
Ang sabi ng aming source (na sana ay hindi totoo), natuklasan ni misis na ang kanya palang mister na senador ay isang bading.
Oh, my goodness! Gusto naming umalma at sabihing, “Ano naman kung totoong bading? Batayan na ba ‘yon para iwan mo ang asawa mo?”
Kunsabagay, kung personal ang pag-uusapan, hindi naman kami umasta noon na barakong-barako. Alam ng misis namin na bading kami, kaya umpisa pa lang, alam niyang hindi namin paborito ang boxing at basketball.
Pero sayang naman. Sana, maayos nila ang problema at mabuo pa rin ang kanilang relasyon. Ha-ngad namin ang kanilang “walang hanggang” relasyon.
Ano ba celfone number ni Senator para matawagan namin at ma-bigyan ng advice?
HINDI LANG pala kami. Maging si Richard Gomez ay itineks si Sharon Cuneta at pinayuhan ang ex-girlfriend na ‘wag nang patulan ang mga bashers at haters niya sa twitter.
Sa mga hindi nakakaalam, iniisa-isang patulan ng megastar ang mga bashers niya. Naiintindihan namin si Sharon sa puntong nilalait na ang kanyang pagkatao. Pero alam n’yo naman sa social networking, lalo pa’t alam ng mga tao na si Sharon mismo ‘yon, the more pinapatulan mo, the more na dumadami ang mga haters mo.
Kung masipag ang Megastar sa pagpapapatol, eh wala namang problema. Kaso, siya na rin mismo sa kanyang mga tweets ay parang napipikon na sa mga haters niya.
“Sinabihan ko siya. I told her not to make patol sa mga haters. Lalo lang silang dadami.”
Pero umi-slight pa rin ng patol ang megastar, dahil hindi nga niya maarok ang feeling niya’y maling bintang sa kanya.
Ilang concerned friends din ng megastar ang nakausap namin at sina-bing hindi rin sila nagkulang ng paalaala kay Mega na ‘wag nang patulan ang mga haters sa twitter.
Heto ngayon ang siste: ang umaaway kay Mega ay – karamihan – mga fans ni Piolo Pascual, dahil feeling nila’y “inookray” ni Mega sa mga tweets nito ang kanilang idol.
Meron pa ngang nag-tweet sa amin na, “Ano ba ‘yang si Sharon? Tapos na ‘yung KC-Piolo issue, sa kanya, hindi pa?”
‘Wag sanang masamain ng aming Kumareng Mega ang aming sasabihin. Hindi niya nalalaman na ‘yung iba’y nananadya nang okrayin siya to gain followers.
Kaya sana, mapagod na si Mega sa kasasagot para magkaroon na rin siya ng peace of mind.
Kahit napakarami mong pera, walang katapat na halaga ang magkaroon ng peace of mind.
AND SPEAKING of social networking like twitter, ‘yan ang topic namin bukas sa Showbiz Inside Report kung gaano nakakaapekto sa career ng isang artista ang social networking sites, lalo na ang twitter?
Bakit nga ba may mga artista pa ring ayaw magkaroon ng twitter account? O kahit ng facebook account?
Juice ko, ayan, naalala na naman namin ang isyu sa amin ng ilang fans ni Charice Pempengco na pinagmumumura ang nanay ko, dahil ipinanganak daw ako.
Hay, nako… gusto naming magpasalamat sa mga fans na ito na binlock din namin sa aming twitter account at facebook account dahil mas pinatibay n’yo kami ngayon.
Kaya ‘pag me nang-ookray sa amin sa twitter, simple lang ang mechanics. I-block, tapos ang usapan. Wala nang tse-tse buretse.
Katwiran namin, kesa kami ang maging sanhi ng atake n’yo sa puso o pagkamatay, eh tapusin na natin ang relasyon natin sa facebook at twitter.
Saka hello! ‘Wag nating ka-limutang we cannot please everybody, ‘no!
At higit sa lahat, ako ang batas ng twitter account ko. Gano’n lang kasimple.
Oh My G!
by Ogie Diaz