BLIND ITEM: Mukhang nagkamali ng kakalabanin ang isang mahusay na aktor dahil in the process, hindi lang kabaro niya ang napagtripan niyang awayin kundi ang matalik din nitong kaibigang reporter cum publicist.
For purposes of brevity, let me assign “festivals” to the persons involved. After all, ang pinag-uugatan din naman ng hidwaang ito ay ang parating na Metro Manila Film Festival.
Nagpipigil lang ang reporter-publicist na si SINULOG sa pagsisintir ni PAHIYAS dahil sa reklamo nitong pambabastos umano sa kanya ng producer-actor na si ATI-ATIHAN (the beginning letter is based on his character in the movie) na may kinalaman sa billing.
Depensa ni Sinulog, huwag lang daw sairin ang kanyang kabaitan, but if pushed against the wall ay mapi-pilitan siyang ilantad ang mga baho ni Pahiyas. Isa na rito ang mga umano’y mapanirang kuwento ni Pahiyas tungkol sa kanyang pulitikong kaibigan na pinsan ni Ati-Atihan.
Kilala ang sirkulo ng pagkakaibigang kinabibilangan ni Pahiyas, apat sila noon na magkakataling-pusod pero sumakabilang-buhay na ang isa roon. Of the remaining three, si Pahiyas ang tila least successful. Naisumbong tuloy niya kay Ati-Atihan that between his two bosom buddies ay wala umanong kuwenta ang pinsan nito.
Isa ito sa mga pinanghahawakang alas ni Sinulog laban kay Pahiyas. Not only that. Ilang taon na palang may pagkakautang (as in malaking halaga ng pera) si Pahiyas kay Sinulog, na sa tuwing magkakasalubong sila ay maano man daw bang makiusap si Pahiyas na saka muna niya babayaran ang atraso kay Sinulog?
Consistent with our “festival” theme, umeeksena pa ang nanggagatong na manager ni Pahiyas na tawagin na lang nating MORIONES.
YEAR 2012 promises to be a much bigger year for TV5.
Sa ipinalabas na AVP na itinaon ng Kapatid Network sa pa-Christmas party nito for the press, ilan sa mga dapat abangang programa ay ang Extreme Makeover Home Edition with Paolo Bediones as host, wherein at least eight families have so far realized their dream of acquiring their own homes; ang Dance of The Nation patterned after a South American program kung saan lilibutin naman ng TV5 ang buong bansa in search of dancers in great multitudes; ang The Biggest Game Show in The World to be hosted by Richard Gomez; at ang Kanta Pilipinas.
Duda ng press, the last show is intended for Sharon Cuneta, the latest addition to the growing list of transferees. After all, sa Christmas ID ng TV5, dressed in flaming red Sharon leads the pack of the network’s premiere talents.
Samantala, with the respective parties of ABS-CBN and TV5 na tatlong araw lang ang pagitan ay hindi maiaalis na pagkumparahin ang dalawang events. Kinabog kasi ng Singko ang Dos in terms of raffle prizes in cash kung saan P5,000 ang pinakamababa, and a whopping P30,000 was the highest.
Pang-Noche Buena rin ang giveaway composed of ham and queso de bola ang sa TV5, while Channel 2’s assorted knickknacks pailed in comparison. Sana, hindi na lang din ipinagmalaki ng ABS-CBN ang revenues na pumasok sa istasyon noong 2010 amounting to P2.1 billion if it exercised a great deal of austerity para sa press.
NANINIWALA SI Cagayan Representative (First District) Jack Enrile na makababangon ang kanyang kabaro’t kapwa Ilokanong si dating Congressman Ronald Singson from out of his political career slump kahit nakapiit pa rin ito sa Hong Kong on drug charges.
Sa kanyang meet-the-press, the son of Senate President Juan Ponce Enrile took a defensive stand on behalf of the young Singson, na sa kanyang paglaya raw ay marami na itong tiyak na natutunan mula sa kanyang naging karanasan. “Mahalaga lang na mabigyan siyang muli ng isa pang pagkakataon,” ani Cong. Jack.
In case the “now” generation may ask: Da who ba si Jack Enrile? Those born in our era would best remember him as Jackie, the elder brother of Katrina, who was dragged into the controversial death of 80s matinee idol Alfie Anido.
Nagsilbing pagkakataon na rin ni Cong. Jack to acquit himself of the then-wild speculations that he actually imbedded the fatal bullet in the actor’s body, na noo’y nobyo ng kanyang kapatid some 30 years ago.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III