Last night pagkatapos ng grand presscon ng bagong drama serye ni Sylvia Sanchez para sa Kapamilya Network, ang “The Greatest Love”, nagkita kami for a late dinner sa LA Café sa may bandang Roces Ave.
All smile si Ibyang (tawag namin sa aktres) nang bumababa kami sa hagdanan patungo sa kanya. Bumeso na nakangiti.
Days before the grand presscon, medyo hindi relax si Ibyang. Kabado sa magiging kaganapan sa naturang grand event sa career niya dahil sa unang pagkakataon, after almost 27 years in the business, ngayon lang siya mabibigyan ng chance na magbida sa sarli niyang palabas.
Hindi man pelikula ang pagbibidahan niya, siya pa rin ang focus at sentro ng kuwentong tatalakay sa buhay ni Gloria Alegre; ang ina nina Dimples Romana, Matt Evans, Aaron Villaflor, at Andi Eigenmann na mga krus na papasanin niya sa kuwento ng drama serye.
May early Dementia si Ibyang sa karakter niya as Gloria sa naturang serye na idinidirek ni Dado Lumibao na nasaksihan naman natin ang galing sa previous works niya sa “MMK” at sa iba’t ibang mga dramang palabas ng Kapamilya Network.
Last night, ngiti ang nakapinta sa mukha ng kaibigan namin. Hindi lahat ng mga artista na kasing edad niya ay humabol pa rin ang magandang break.
Hindi man siya isang teen idol na tinitilian tulad nina Nadine Lustre o ‘di kaya’y ni Maine Mendoza, si Sylvia Sanchez, through the years ay binuo niya ang kanyang pagiging isang respetadong aktres sa pamamagitan ng galing at respeto na rin sa kanyang kasamahang artista at katrabaho sa industriya.
“Tulad ng palagi kong sinasabi, kuntento na ako sa mga blessings na bigay ni Lord sa akin, sa aking mga anak (Arjo, Ria, Gela, and Xavi), at asawa ko na si Art (Atayde).
Masaya na ako sa estado ng mga mga anak ko na nagsi-showbiz na dahan-dahan ay natutupad nila ang kanilang ma pangarap. Sobra-sobrang blessings na ito.
Sa kabuunan ng gabi sa late dinner treat ni Ibyang sa mga non-showbiz fiends niya, abala siya sa pagte-table hopping. Hindi ma-explain sa mga galaw niya kung gaano siya kasaya sa katatapos na presscon. Sayang, wala ang panganay na anak na si Arjo Atayde at may taping for “Ang Probinsiyano” that evening to give support kay Ibyang.
“I pray na sana tangkilikin ang “ The Greatest Love” ng publiko tulad ng pagsuporta nila sa mga previous teleserye ko.
“Today magtatapos na rin ang “Super D” kung saan isang “Nanay” rin ang role ko. Ako ‘yong nanay ni Super D (Dominic Ochoa). Sa paglabas ng bagong drama-serye namin, isang nanay rin ang magiging role ko na alam nating malalapit sa mga puso nating mga Pinoy,” kuwento niya.
Kaninang madaling-araw, maagang umalis patungong domestic airport si Ibyang para bumiyahe papuntang Cauayan, Isabela para magtungo naman sa Quirino Province. Dalawang araw sila sa location taping nila roon at sa Sunday na ang balik nila ng Manila para ituloy ang taping niya on the that same day sa Manila scenes niya for “The Greatest Love”.
One more blessings na pahabol ni Ibyang sa amin ay ang pagpayag ni Megastar Sharon Cuneta na siya ang kumanta ng theme song na the other day ay nag-recording na para sa bagong drama serye ng Kapamilya Network na malapit nang mapanood bago mag-“TV Patrol”.
Reyted K
By RK VillaCorta