PUTOK NA ang balita sa Pasay City tatakbo Mayor si Sharon Cuneta. Matagal na naming alam ito, pero hindi namin isinulat bilang respeto sa Megastar. Gusto naming sa kanya mismo manggaling na papasukin na rin niya ang pulitika. Kahit naglalabasan na sa mga tabloid na kakandidato raw si Sharon sa 2016, hindi pa rin malinaw ang issue na ito kung totoo o hindi. Umugong ang tsikang ito before the year end of 2014. Lehitimong taga-Pasay kami, kaya mas mauuna kaming makababalita sa mga kaganapan dito sa Pasay. Mismong sa kampo ng mga Cuneta na taga-Pasay nanggaling ang tsikang ito kaya’t marami ang naniwala.
Maraming taga-Pasay ang natuwa nang mapabalita ang pagtakbo ni Sharon. Mayroon ding ilang pulitikong hindi pabor if ever tatakbo nga si Mega bilang Mayor. Kasi naman, magiging mahigpit nilang kalaban ang award-winning actress. Sabi nga ng nakararaming naninirahan sa Pasay, mahirap man o mayaman, susuportahan nila si Sharon Cuneta. Gusto rin naman nila ang pagbabago sa Lungsod ng Pasay. Kahit sinong kandidato ang itapat sa Megastar mahihrapan.
Kilala si Sharon sa pagkakawang-gawa, lalo na sa mahihirap at sa mga nangangailangan ng tulong. Bukas ang palad nitong tumulong dahil likas na sa kanya ang matulungin sa kapwa. Hindi na mabilang ang mga taong natulungan niya sa labas at loob ng showbiz. Hindi niya ipinagmamakaingay ang mga charity works na kanyang natulungan. Namana niya ito sa yumao niyang amang si Pablo Cuneta na talaga namang minahal ng madlang pipol sa Lungsod ng Pasay. Ilang dekada ring nagsilbi ito bilang Mayor. The legacy continues if ever.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield