SHARON CUNETA is blaming flat screen TV for looking so fat sa small screen.
“Nagulat ako kasi flat screen ang TV namin sa bahay, so grrrrrr gusto ko isumpa ang nag-imbento niyan at nakakapunggok at lapad! Hahahahaha joke! Pero nakakapunggok at nakakalapad talaga! Lalo na sa aming mga nagpapapayat pa lang, nakakawala ng inspirasyon! Hahahahahaha! Joke joke joke!!! Thank you so much again for watching #YourFaceSoundsFamiliar last night! Mamaya ulit!” post ng Megastar on her Facebook account.
Para ipakita ang ebidensiya, nag-post siya ng dalawang photos, screengrab ng apprearance niya sa TV as Adelle at isang kuha sa dressing room niya with this caption: “Eto ang ebidensiya ng effect ng flat-screen TV sa nananahimik na taong nagda-diet! Hahahahahaha! Photo#1 from a flatscreen TV. Photo #2, in person in my dressing room with Peachy my make-up artist, and Jeff Aromin my hairdresser! Hahahaha! Andaya! Huhuhu.”
More than thirty years na si Ate Shawie sa showbiz, pero tila hindi pa niya alam na times ten ang laki ng isang celebrity kapag nasa TV siya. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Newbie Ken Alfonso, ipinagtanggol si Toni Gonzaga
NEWBIE KEN Alfonso defended Toni Gonzaga who was subjected to nasty comments when she displayed her seemingly irreverent hosting style sa nakaraang Bb. Pilipinas beauty pageant.
Host si Ken ng bagong travel show, ang Touchdown which will premiere tomorrow sa GMA News TV, 11:30 a.m. to 12 noon.
“For me number one it’s very unusual sa pagho-host ni Toni at wala naman siguro akong masasabing masama against whatever happened that night. It was one way din para ma-relax ang crowd and I guess wala naming ginawang masama si Toni that night. Basically she did it para lang ma-relax talaga ang crowd and nothing beyond that,” Ken said when asked kung ano ang masasabi niya sa hosting ni Toni noong nakaraang Bb. Pilipinas pageant.
Asked about Ariella Arida, his co-host in Touchdown, ibinuking ni Ken na mahilig kumain ang beauty queen at favorite niya ang peanuts.
The initial episode will show what’s inside a cruise line at sosyal na sosyal ang una nilang palabas, ha. In the future episodes ay iba’t ibang spots naman sa Europe ang kanilang ipe-feature. Ang kaibahan ng show ay naipakikita nila ang talent ng Pinoys na nagtatrabaho sa abroad.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas