FOR 32 YEARS and an icon in the movie industry, Sharon Cuneta impresses us even more than three unique shows line up for her – conquering free TV and now invading cable television. Witness the megastar conquer television with these three new must – not-miss, life-enriching, life-transforming treats with Sharon at Home on September 18, 6:30 p.m., followed by Star Power on October 10 and The Biggest Loser Pinoy Edition next year.
Sharon bilang ultimate mentor, bibigyan niya ng pag-asa ang kababaihan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. “This season it’s all girls. There will be audition para maiba naman, it’s a different kind of contest. I mean, a contest for different groups every season so magkakaroon ng mga lalaki, komersyante, magkakaroon ng mga kids. Ngayon naman, inuna namin ‘yung female Superstar the Pop Singer, 15 to 21 years old. Nakapili na po kami ng twelve namin, it was the most difficult thing I’ve ever done. I was not the only judge, we have Ma’am Charo Santos, Tita Malou Santos, Mr. M (Johhny Manahan), Star Records, Ms. Linggit Tan, Tita Cory (Vidanes). Inabot kami ng almost five in the morning na matapos ‘yun, kasi inisa-isa namin.
“Ako ‘yung magme-mentor sa kanila. In over thirty years, I think I’ve been everywhere and everything. It’s just really time to give back to the business that’s been so good to me. Give them a chance, sabi ko, may mga experience na ng kaunti pero gusto ko talaga na talent also na raw and then sa bandang huli, we will choose five. So, every week mayroong mai-eliminate and then we will choose five, ‘yun talaga ‘yung out, and ang mentoring namin, doon talaga sa kanila babagsak. Silang dose, may career na sila after the show kahit hindi sila manalo.”
Itong The Biggest Loser Pinoy Edition, bakit ito tinanggap ng Megastar? “For me, it was a very touching to decide to do. Maganda nga kasi nag-lose na ako, at this point 20 (lbs.). Sabi ko, parang ‘yung journey ko may dahilan pala ang Diyos… napakabait talaga ng Panginoon. May dahilan lahat ang dinaanan ko. Nu’ng tumaba ako, binigyan Niya ako ng BFF (naging Best Friends Forever niya sina Ai Ai Delas Alas, Wenn Deramas at Chokoleit). Also nakagawa ako ng comedy. Na hindi ako nag-e-effort masyado kasi komedyante ako sa tunay na buhay, so para akong may bagong career. Ha! Ha! Ha!
“Tapos biglang dumating itong Biggest Loser. ‘Yung timing din, pumapayat na rin ako.I never reach ‘yung kanilang kalakihan. I understand very well kung ano ‘yung nararamdaman nila. And at certain age and certain point, parang ako, kailangan kong maging presentable sa publiko dahil sa career ko. Personal na buhay ko, kailangan kong maging healthy dahil mahal ko ang pamilya ko. So, what’s the point of working so hard to save all your suweldo kung ipang-hospital mo lang pala?
“When it was presented, alam ninyo, ang mas pinaka-nakakaiyak, ‘yung Biggest Loser. Sabi ko, by the time it’s air, no body gonna laugh at me, they will all be inspired. You know, when they audition, nagiyakan talaga ‘yung iba. Noong nagpa-auditon, Biggest Loser Asia, eighty Pinoy ang nag-audition. Noong nagpa-audition ang Biggest Loser Philippines, more than six hundred ang dumating. Ang nakakaiyak, nag-iiyakan ‘yung iba pagdating kasi noon lang daw nila na feel na hindi sila pinagtatawanan, may mga katulad pala nila. Tapos lahat sila nandoon, bakt sila nandoon? Gusto na nilang magbago pero hindi nila alam kung paano so, talagang nakakaiyak. Blessing itong show na ito, the three shows if you notice, ang timing ng Panginoon laging sa akin nagsu-swak.”
Sa Sharon at Home, isang passionate homemaker si Mega. Ibabahagi niya ang personal na buhay – mga pamilya, kaibigan at pati na rin ang mga katrabaho sa industriya na naging bahagi ng kanyang tagumpay? “Ang kaibahan nito, ito talaga ang passion ko, it’s all about sharing. Nandito na ako sa buhay ko after three decade in showbusiness. Talagang it’s time to give back. Tapos, habang nagbibigay ako, marami pa rin siyang ibinibigay sa akin. Tuwing gusto kong mag-retire marami pa rin ang dumarating sa akin. Parang sign ‘yun na huwag muna anak, marami pa tayong project. Ako naman, masunuring anak so, ‘pag sinabi niyang ganito lalo kapag may lives akong… may chance akong may ma-touch lalo na kung makagawa ako ng difference sa buhay ng kahit isang tao, ‘yun ang mahalaga sa akin. At saka natutuwa ako kasi magandang ehemplo sa mga anak ko. Tina-try ko, pini-pray ko na mapanindigan ko lahat ‘yun kahit maging timang-timang ako!”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield