SA totoo lang, nakalutang talaga ang fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kung ano ang kahihinatnan ng pelikulang pagsasamahan nilang dalawa.
Maraming delays kasi. May negotations na ba for Gabby? Tuloy pa ba ngayon ang pelikula ni Mega para sa 2017 Cinemalaya sa direksyon ni Mes de Guzman?
Pahayag ni Sharon, “I’m just waiting for the shooting schedule for the movie. As of today, as of this hour, but in two hours after, I’m not sure. That’s the last I heard, tuloy naman daw, but I can’t really… kasi how hard, it’s painful to be let down, eh. So, I always think of our fans to be disappointed ‘pag hindi natuloy, so I’m just quiet na lang and I believe when we start shooting na.”
Sa kabila ng delays at problema sa project, gusto ni Sharon na matuloy ang project dahil ayaw niyang madismaya ang fans nila ni Gabby na matagal nang naghihintay ng reunion movie ng idols nila.
Sabi ni Shawie, “It’s really for our fans. There’s been a clamor since he came home, eh. Noon ako ‘yung medyo hesitant, tapos nu’ng naging open na ang lahat… siguro ang tagal ko na rin namang kasal and ever since, my husband is very supportive. So nu’ng nalaman niya na, sabi niya ‘as long as na okay sa ‘yo, it’s okay with me.’ And okay rin naman sa kanya, ganu’n si Kiko (Pangilinan).”
Dagdag pa ni Mega sa kanyang paliwanag, “Ang laki ng utang na loob ko roon sa team-up namin na Sharon-Gabby, na hindi namin akalain na mamahalin ng maraming tao. Tapos, alam kong nasaktan din ang fans namin noong nagkanya-kanyang buhay na kami. Parang closure lang sabi ko. Either to closure para mapagbigayan namin ang lahat. Parang the end na, kasi nga nag-mature na kaming dalawa, or p’wedeng bagong beginning. Future projects, malay mo may endorsement, bagong projects sa TV. Ang daming p’wedeng gawin, kasi it’s a strong brand na minahal ng Pilipino.”
Originally, naka-schedule for March ang shooting na naging April na raw.
Kung ano ang kahihinatnan ng project nila ni Gabby, abangan na lang natin.