MUKHANG MAY BAHID na nga ng katotohanan ang paglisan ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN, at tuluyan na itong mag-o-ober da bakod sa TV5, in the months to come. Sa mga nababasa at nababalitaan natin within the showbiz circle, tatlo ang lumalabas na dahilan:
Una, hindi na raw magkakaroon ng Season 2 ang talent show na Star Power na hino-host ng megastar, kunsaan grand winner last season si Angeline Quinto. Usually, may pinag-uusapang follow up contract for the next season, pero tila wala na nga dahil nagte-taping na ang panibagong talent show na kapalit ng Star Power.
Ikalawa, as we go to press, chikang hindi raw mahagilap si Sharon for the taping ng Christmas Station I.D. ng Kapamilya Network, at hindi raw makapagbigay ng schedule ang handlers nito, na incidentally ay ka-tandem na ni Sandra Chavez (personal manager) si Boss Vic del Rosario ng Viva na siya namang new business manager ni Shawie.
Identified si Boss Vic sa Singko, bilang “gold mine” ng Kapatid network ang Wil Time Big Time na co-producer ng Viva TV ang said network.
Ikatlo, may chikang sa January 6, 2012, birthday raw ni Sharon, ay may niluluto nang special birthday concert/ show ang TV5 sa Smart Araneta Coliseum. Alam rin ng publiko na kamakailan lang ay nabili na ng TV5 big boss na si Manny V. Pangilinan ang “naming rights” at malaking share ng Big Dome, kung kaya’t it’s now known as Smart Araneta Coliseum, with Smart na pagmamay-ari rin ni MVP.
On the other hand, sa recent interviews naman ni Sharon ay wala itong kinumpirma o dinenay sa paglipat niya sa Singko. Playing safe?
Ang tatapusin lang ni Sharon ay ang pelikula niyang Call Center, na part ng old contract niya with Star Cinema, ABS-CBN’s film arm.
Malamang na matulad ang Sharon case kay Aga Muhlach na kinailangan lang tapusin muna ni Aga noon ang movie niya with Angel Locsin sa Star Cinema, bago nag-confirm ang TV5 management na nakapirma na ang aktor sa kanila – kahit matagal nang “done deal” ang said transfer.
Kung ‘di talaga natin mapapanood sa Christmas I.D. ng Dos si Sharon, mukhang tumpak ang source namin about a month ago na kasado na ang public service-type of TV show nito sa TV5, kasama si former President Joseph Estrada, as we wrote this “scoop” here sa Mellow Thoughts – unless magbago ang plano ng istasyon.
NASA BANSA NGAYON ang American independent actor na si DJ Perry upang i-promote ang kanyang first movie na ginawa sa Pilipinas, ang Darkest Night na dinirek naman ng isang Pinoy, si Direk Noel Tan. Dumating ang aktor sa Pilipinas last November 2, from USA.
Ilan sa movies na nagawa ni DJ Perry ay ang The 8th Plague (2006), Ghost Town: The Movie (2007), G.P.S (2007), at ibang popular horror flicks sa Amerika.
Ang gothic film na ito, written and produced by Russ Williams, na isa ring Amerikano (pero based na sa Malaysia), ay ginawa ni DJ sa Pampanga (last summer), with Anne Gauthier, isang pretty French-Filipina new actress na very promising sa showbiz, although she’s starting pa lang matutong mag-Tagalog.
Ang Darkest Night ay tungkol sa isang pamil-yang nagbakasyon sa Sagada, at magiging isang misteryo ang isa-isa nilang pagkamatay towards the creepy story.
Ang ibang Pinoy stage and screen actors na kasama sa cast ay sina Issa Litton, Nic Campos, Marife Necesito, Jill Palencia, James Lomahan, Kevin Vitug, Allan Dale Mancebo, Zeny Sevilla, and Jonas Gruet, with Malaysian actor Justin Hoong Fai Chan.
Inaayos na ang invitational premiere night ng nasabing pelikula ngayong buwan, habang nasa bansa si DJ Perry.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro