OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo. Pak! Ano ba ‘yan, kaloka as in ‘Sige, mataba na kung, mataba… ang puso ko… magpakatotoo tayo. Sharon, Kasama Mo, Kapatid’.
Tinutukan ko ang pilot episode ng programa last Monday. Wala akong makuhang magpakatotoo, ang nakita ko lang na totoo, ang katabaan niya at ang pagbe-baby talk na hanggang ngayon wala pa ring pagbabago ang paiyak-iyak ni Sharon Cuneta.
Nakakasawa, lalo na ang guest niyang kapatid kuno na sa totoo lang, ewan ko sa inyo, napaplastikan ako ha? Akala mo sila na ang perpektong nilalang na walang kapintasan kung magsalita. Tama lahat naman ng ibinibintang sa kanila ay may katotohanan, kaya siguro sila tinatamaan, kasi truth hurts.
At wala akong makitang pagbabago sa kanyang show, lalong naging boring, ang bagal at wala akong nakitang bago puro pagpupuri sa kanyang kapatid at hindi mo maintindihan kung ano ba talaga ang target ng show.
Akala ko ba, ala-Oprah ang magiging pormat ng show? Sa true lang, walang kawawaang nakakaantok, sa tingin ko lang ha, hindi ito magtatagal. Kung ganito nang ganito ang makikita mo araw-araw na paiyak-iyak ni Sharon, at sana mabasa niya ito para malaman niyang tama na, sobra na ang katawan niya at ang kanyang paiyak-iyak na hindi maganda ang dating sa televiewers.
Sorry, kasi dapat kaaya-aya tayo sa mga nanonood. Dapat ang format ng program niya ay kung paano pumayat. Ibalik ang The Biggest Loser, kasi patuloy pa rin ang paglaki ng katawan ni Sharon. Parang pinagmamalaki pa talaga niya ang ‘sige mataba na kung mataba’. Yes, true! Pero wala akong nakitang puso at pagpapakatotoo.
‘Yun lang, pero take note, kumare ko ‘yan. Pero kaylan man, hindi niya ako tinuring na may naitulong ako sa kanya. ‘Yan ba ang totoo?
ISA PA ring hindi ko maintindihan itong aking kapederasyon na si Councilor Roderick Paulate ng Quezon City, tungkol sa Malversation of Funds at Grave Misconduct na isinampa sa Ombudsman laban sa kanya. Isa pa ring kuwestiyunable ay ang pagkakaroon diumano nito ng ghost employees, at suspendido raw.
Taga-2nd district ako ng Quezon City, pero nu’ng kumakandidato siya, promise wala akong alam na kandidato siya kasi wala man lang akong nakitang poster or kahit anong klase na alam mong kandidato siya. Ang alam ko, si Alfred Vargas, pero siya, naloka na lang ako na nanalo sa aming distrito kaya nagtaasan ang kilay ng mga kakilala ko rito sa 2nd district.
Anyway, nilinaw na raw ito ni Roderick na hindi siya suspendido at aktibo siyang nag-iikot sa mga barangay at lagi siyang nakikita sa city hall na pumapasok. Pero excuse me, ang tagal ko nang nakatira sa Novaliches, ni anino ni Roderick hindi ko napansin na nakita ko siya.
Ayon sa kanya, obviously politically-motivated daw ang bintang sa kanya, kasi malapit na ang eleksyon. This is a demolition job to destroy me, say ng dismayadong councilor. Natutuwa naman daw siya kahit papa’no, suportado siyang mayor na si Bistek at ng buong konseho ng Quezon City.
Basta ayon sa kanya, wala siyang ginawa na kasalanan at handa niyang harapin ang mga ibinibintang sa kanya, kasi malinis ang kanyang konsensya.
“Kaya sa mga humuhusga sa akin, wala akong magagawa. Alam kong lalabas din ang katotohanan basta tuluy-tuloy pa rin ang ikot ng mundo sa kanya sa kanyang mga nakaatang na tungkuling pinagkatiwala sa kanya,” say nito.
Oh, ‘di ba naman?! Kaloka to the highest level! Pak na pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding