KALOKA NAMAN AT ganun kalaki ang halaga ay naisahan pa si Sharon Cuneta.
” I miss you, Daddy. Daddy, I miss you so much… I miss my life with you, I miss Dasma (dating bahay nila in the 80’s); I miss being your child, I miss little Sharon, I miss Sharon in her 20’s. I miss you Mama Mina (Aragon na dating misis ni Vic del Rosario ng Viva Films na nag-alaga kay Shawie sa simula pa lang ng kanyang showbiz career); My mommy ko, I miss you… I miss me, I miss being free to be me!” na sabay iyak niya na parang bata na nagsusumbong kay Kuya Boy at sa publiko na sinubaybayan siya at minahal.
Naging emosyonal si Sharon noong gabing yun. Aside from the personal hugot ng aktres ay sinabi din nito na ”ninakawan “ sila at nawalan siya ng mana.
Kuwento ni Sharon: “My parents trusted the wrong people. Both of them. I am angry. I’m wearing my dad’s wedding ring ’coz I miss him, I love him. But I’m angry because why didn’t he call us, brothers and sisters? Why didn’t he say…”
Pagpapatuloy pa ni Sharon sa kanyang rebelasyon:” I will say who but it was a nurse of hers who stole — even the Birkin I gave her — the money that came from the sale of our house in Dasma where we grew up. I mean, wala kaming minana so I’m so angry.”
Nilinaw din ng aktres na hindi siya bankrupt katulad ng sinasabi sa tsismis na umikot habang nasa Amerika siya.
Kung nandito lang sana ang ama (si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta), siguradong tutulong ito sa financial problem ng aktres.
Pagpapatuloy pa ni Sharon sa kanyang pago-open-up tungkol sa kanyang problema: “Kasi I don’t expect Kiko (Sen. Francis Pangilinan) to pay for my utang. Wala naman siyang kinalaman du’n sa…hindi naman nangingialam ’yan, eh.
“Di ba nga, may prenup (prenuptial agreement) kami na suggestion niya kasi nga honorable ang asawa ko. Kung nagnanakaw sana ’yung asawa ko, wala sana kaming problema.” bulalas ng aktres.
Reyted K
By RK VillaCorta