AFTER THREE years, muling magkakaroon ng panibagong album si Sheryl Cruz entitled Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin under Striking Stars Concpets Inc. kaya naman daw very happy si Sheryl dahil binigyan siyang muli nang pagkakataong makapag-record ng album.
Kuwento nga ni Sheryl, “Actually I have to wait for at least three years, pero sa time na ‘yun hindi naman ako huminto sa pagsusulat ng kanta. And ngayon nga I’m coming out with an album entitled sa “Puso Ay Ikaw Pa Rin” na all of the compositions here are OPM.
“Tapos dalawa ng mga compositions dito ay ginawa ko ang lyrics, one in English and the other one is Tagalog. ‘Yung kantang “Mananatili” gawa ko ‘yun, ‘yung isa naman ‘yung The Last To Know kinanta naman namin ni Sunshine.
“Tapos other songs in the album like ‘yung “Somewhere In My Past” na revival song na pinasikat ni Ate Julie Vega, pero ginawa naming RNB/Pop ni Mon Del Rosario, siya ang aking producer sa aking album.
“‘Yung iba pang song Habang May Buhay it’s a composition para sa mga taong ikakasal. At meron pa akong tatlong kanta dito na pina-translate ko sa Japanese kay Junichi Motojima. And it will be out in the Market on the first week of June sabay ng paglabas ng MTV ko, kaya naman excited na excited na ako.
“Actually 2008 pa lang nagsusulat na ako, siguro what inspires me is siguro ‘pag may pinagdadaanan ka. Alam mo ‘yung masakit na pinagdaraanan, marami kang puwedeng gawin para maka-recover, kaya ang puwede mong gawin ay magsulat at pagpi-play ng piano.
“Like ‘yung Joy na sinulat ko, para sa anak ko ‘yun (Ashley) at ‘yung ngayon naman, ‘yung “Mananatili”, siguro alam n’yo na kung para kanino ‘yun. Hahaha! Siguro, the more experience you have, the better you’ll be in writing songs,” pagtatapos ni Sheryl.
Upgrade at Chicsers, magsasama sa show
NAKATAKDANG MAGHARAP ang 2 sa tinaguriang pinakasikat na boyband sa bansa at parehong Internet Sensation at most sought-after endorsers mula sa bakuran ng Viva Entertainment, ang Upgrade at Chicsers, at ito’y magaganap sa Hagdang Bato Libis, Mandaluyong City mula sa imbitasyon ni besfriend Jireh at ni Ms. MJ na tinaguriang The New Beauty Icon of the New Generation.
Ang Upgrade ay regular na napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman (GMA 7) at SPINNATION ng TV5 na binubuo nina K-Cee Martinez, Ron Galang, Miggy San Pablo, Armond Bernas, Raymond Tay, Mark Baracael, at Rhem Enjavi .
Samantalang binubuo naman ang Chicsers nina Ullyses Webb Basa, Clarence Adrian Villafuerte, Biboy Cabigon Chua, Owy Posadas, Oliver Lance Posadas, at Ranz Kyle Viniel.
Bukod sa Upgrade at Chicsers, may ilang celebrities pa ang nakatakadang mag-perform sa May 18 mula sa bakuran ng GMA 7 at ABS-CBN 2.
John’s Point
by John Fontanilla