Sheryl Cruz, ‘di na dapat asahang rumespeto sa kadugo

Sheryl-CruzWHETHER IN victory or in defeat, in success or in failure; one needs support system.

And by it, that person needs to be surrounded by family and friends na nakikipagbunyi sa kanyang tagumpay o nakikisimptya sa kanyang kabiguan.

Sa panahong kulang walong buwan ay eleksiyon na uli, the recent surveys clearly indicate the dominance of Senator Grace Poe over her opponents sa pagka-Presidente. Obviously inconclusive, if these figures become consistent sa mga darating na buwan, a third woman President may well be born.

Ang ipinagtataka lang namin ay kung bakit sa mismong hanay ng mga kadugo at kaibigan ng pamilya Poe, why does Grace lack support system?

Sa kolum namin ng nakaraang Biyernes, inilathala namin ang ‘di pagsuporta ng dating Sampaguita star na si Daisy Romualdez kay Grace. Bahagi ‘yon ng kaswal naming pag-uusap ni Tita Dai over the weekend kung saan bagama’t inamin niyang mahal niya si FPJ (ama ng senadora na hindi naman niya ibinoto, but her daughter Tina Paner voted for him through online), she wouldn’t give her presidential nod to Grace.

Ani Tita Dai, “Mahal ko si Swannie (Susan Roces), kaya mahal ko rin si Grace. Pero maaga pa para maging Presidente siya,” citing a number of national issues na mahihirapan daw iresolba ni Grace if she became President.

Sa naturang tsikahan ding ‘yon, Tita Dai echoed her long-time friend, veteran showbiz columnist Alfie Lorenzo’s opinion, and we quote: “Sabi nga ni Alfie, ‘Kung tatay nga niya, ‘di nanalo noon, siya (Grace) pa?!’”

Sa isang panayam kamakailan—known for her brutal frankness—ang original Taray Queen na si Maricel Soriano ay tinanong kung sino ang kanyang presidential bet. Wala itong kagatul-gatol na sumagot, punctuated with her trademark lovable katarayan: “Si Mar (Roxas)! Bakit si Mar? Eh, sa naniniwala ako sa kanya!”

Bagama’t nagkasama sina Maricel at FPJ sa pelikulang Batang Quiapo, her choice of Mar is obviously understandable. Close friend ni Maricel si Veanna Forres of the Araneta clan, na kamag-anak ni Mar Roxas. Call it support by affinity.

Understandably so, pero bakit ang dapat sana’y support by consanguinity na magmumula kay Sheryl Cruz, pinsang buo ni Grace, ay wala?

Bashed and lambasted, hindi rin naman masisisi ang mga tumutuligsa kay Sheryl for saying na kesyo ang kinabukasan daw ng ating bansa should not be left to chance, kung sakaling si Grace ang maging Pangulo.

Kung walang bilib si Sheryl sa kanyang pinsan, she had better keep her mouth shut (if not fold her chin). Ang iniisyu ng hitad ay dahil pinalalabas daw na anak si Grace ng kanyang inang si Rosemarie Sonora sa dating diktador na si Ferdinand Marcos, why take that “myth” against Grace?

Kunsabagay, ano namang respeto para sa kadugo ang dapat asahan kay Sheryl, eh, natiis nga niyang hindi umuwi noon ng bansa nu’ng mamatay hanggang sa mailibing ang tatay niyang si Ricky Belmonte?

Tatay na niya ‘yon, ha… pinsan pa kaya ang hindi niya kayang suportahan?!

DAHIL SA mga aral na hatid ng weekend family sitcoms na Pepito Manaloto at Ismol Family ng GMA ay patuloy na sinusubaybayan ang mga ito even by Pinoy viewers overseas.

Ayon sa GMA Entertainment TV’s Senior Program Manager na si Bang Arespacochaga, the secret lies sa pagkakaroon ng katuturan ng mga tampok na real-life issues to which the viewers can relate.

Gaya na lang ng creative director at main actor ng Pepito Manaloto na si Michael V. who knows what the viewers want and he has the feel of the “masa”.

Samantala, naniniwala rin ang program manager ng Ismol Family na si Cecille de Guzman na nakatutulong ang social media para malaman nila kung ano ang hinahanap ng mga manonood sa kanilang palabas.

Ayon naman kay Dominic Zapata, direktor ng Ismol Family, “I never forget that I have a personal responsibility to the viewers to do something worthwhile while being able to put a smile on their faces.”

“Our inspiration for each episode comes from current events. Events na nangyayari sa environment and even in TV shows, like the AlDub phenomenon and the horrible traffic in EDSA,” says Joseph Balboa, creative director ng Ismol Family.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePatay na nga ba ang BBL?
Next articleGabby Concepcion, umaasang matutuloy pa rin ang movie nila ni Sharon Cuneta

No posts to display