HINDI PA raw handang mamuno sa bansa si Sen. Grace Poe. Ayon na rin ‘yan sa kanyang ‘pinsang’ si Sheryl Cruz na nagsabing, “…I’m reserving my support when I see that she’s ready to lead – I know her long enough – for now – I’m sorry, but don’t count me in…”
Nito ngang Miyerkules, inihayag na ni Sen. Poe ang kanyang ambisyon na maging pangulo ng bansa at pumalaot sa presidential election sa 2016.
Sa nakalkal naming Instagram post ni Sheryl (@papel2012), tila napikon na ang singer-actress sa pangungulit ng tanong ng isang @thombenavides, na idinadamay pa ang nanay niyang si Rosemarie Sonora.
“Bakit parang tahimik mo – hindi niyo ba susuportahan si Grace? Daming bumabatikos o! Anong klaseng mga pinsan kayo? @papel2012,” pangungulit ni @thombenavides.
Sinundan pa ito ng, “Baka kaya hindi mo siya sinusuportahan kasi sinabihan ka ng nanay mona manahimik para hindi maungkat ang issue na magkapatid talaga kayo no? Yung totoo? Anak siya ng nanay mo! Sino ang ampon? Ikaw ba o siya? Hahahaha! @papel2012”
Matagal nang ikinakabit kay Sen. Grace ang isyu na hindi talaga ampon ang senadora, kundi anak umano ni Rosemarie sa dating pangulong diktador na si Ferdinand Marcos. Inako lang umano ito ng kapatid na si Susan Roces at asawang si Fernando Poe, Jr., at pinalabas na inampon ang natagpuang inabandona umanong sanggol na si Sen. Grace sa isang simbahan sa Iloilo.
Hindi na nga nakapagpigil si Sheryl sa pandadamay sa kanyang ina, kaya rumesbak na ito ng sagot. “@papel2012: Who are you @thombenavides? You don’t know anything about our family, so you don’t have any right to judge us especially my mom! I’ve been seeing your posts and honeslty ayaw kitang patulan and I don’t want to please you for answering back – but dragging my mom again on the political journey of my cousin Grace will not make me just sit here and read. This should STOP!”
Hindi pa roon tumigil si @thombenavies: “Are you really sisters? Hahaha and are you supporting your sister? #nosebleed ako #sana tagalog ang reply mo”
Dito na hindi napigilan ni Sheryl na ihayag ang kanyang saloobin sa political plan ni Sen. Grace.
“@papel2012: Manang Grace and I are not sisters. My Mama is not her mother. Plesae spare my mom with all these lies. Nakikiusap ako. Ihad been quiet about this issue and nor did I meddle on the political agenda of Manang Grace – it’s her decision to whether run or not. It was her who decided t o take on this complicated path – I and my mom have nothing to do with it – so do not expect my presence on any of her endeavours. I’m reserving my support when I see that she’s ready to lead – I know her long enough – for now – I’m sorry, but don’t count me in I wish her well and for you too @thombenavides – please leave us alone.” Mahabang litanya ni Sheryl.
Nagtataka lang kami kung bakit tila iwas na iwas si Sheryl na madikit ang pangalan nila kay Sen. Grace? Ang tono kasi ng mga pahayag ni Sheryl, parang may malalim na pinanggagalingan. Kung sa bagay, hindi niya naman talaga pinsan si Sen. Grace. At ‘di rin naman kadugo, ‘di ba?
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores