KUNG MAY isang artist daw na gusto ni Sheryl Cruz na mag-revive ng kanyang hit song na “Mr Dreamboy”, ang Kapuso child star na si Jillian Ward ang napipisil nitong umawit muli ng kanyang signature song.
Tsika nga ni Ms. Sheryl, “Dapat mas bata o nagdadalaga ‘yung kakanta ng ‘Mr. Dreamboy’ like Jillian Ward na alam kong magaling kumanta.”
Pero dapat daw ay bigyan ng bagong flavor at hindi parehong-pareho sa kanyang bersiyon, para naman daw maging iba at makabago ang lalabas na ‘Mr. Dreamboy’.
Bukod sa ‘Mr. Dreamboy’, marami-rami na rin daw songs si Sheryl na nagawa at ready na niyang ipakanta pa sa iba pa nating magagaling na singer, at nauna na nga rito ang kanyang komposisyon na hit sa airwaves na kinanta ni Jake Vargas, ang ” Alaala”, na kabituin nito sa GMA serye na Buena Familia.
Sylvia Sanchez, balik-teleserye sa Dos
MULING MAPANONOOD sa Kapamilya Gold simula July 27, 2015 ang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez via teleseryeng Ningning na pagbibidahan ng child star na si Jana Agoncillo na kinunan pa sa Palawan.
Ang Ningning ay isang romance, drama, at comedy series, kung saan gagampanan ni Ms. Sylvia ang role ni Pacita “Maymay” Angeles, ang maalagang lola ni Ningning na aalalay sa kanya para ganap na matutunan ang mahahalagang leksiyon sa buhay.
Makasasama ni Ms. Sylvia sa Ningning sina Beauty Gonzales, Ketchup Eusebio, at ang child star na si Janna Agincillo bilang Ningning .
UPGRADE, nagbigay-saya sa fiesta ng Alabat, Quezon
NAGING MATAGUMPAY at dinumog ng ‘di mabilang na tao ang katatapos na show ng Group Internet Sensation UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Miggy San Pablo, Raymond Tay, Ivan Lat, Rhem Enjavi, at Mark Baracael last Wednesday sa fiesta ng Alabat, Quezon mula sa imbitasyon ni Mayor Fernando A. Mesa at Gov. David JayJay Suarez.
Pinuno ng tilian at palakpakan ang bawat performance ng UPGRADE, lalo na nang kumuha ang mga ito ng isang dalagang taga-Alabat na kanikang inawitan.
Bukod sa UPGRADE, nagbigay-kasiyahan din sa nasabing fiesta ang Magnificent Dancers, ang mga mahuhusay na stand-up comedian na sina Donita Nose, atbp.
John’s Point
by John Fontanilla