GINAWANG ISSUE ang pagiging ampon ni Sen. Grace Poe ng mga kalaban niya sa pulitika. Sinagot ni Sheryl Cruz ang tungkol sa issue na anak raw ni Rosemarie Sonora kay dating Pangulong Ferdinand Marcos ang senadora at kapatid daw nila ito sa ina.
“Walang katotohanan ‘yan, tatlo lang kaming magkakapatid (Renzo at Patrick). Willing akong magpa- DNA test para patunayan ang sinasabi ko,” diretsong sabi ng singer-actress.
Kung minsan nga below the belt na ang mga banat kay Sen. Poe na wala namang katotohanan. Bilib nga si Sheryl sa tibay ng dibdib at tatag ng kanyang pinsan para harapin ang lahat ng intriga. Mas matindi raw ang intriga sa pulitika kaysa sa showbiz. Kung mahina raw ang dibdib mo, bibigay ka at maaapektuhan. Nang pumasok sa pulitika si Sen. Grace, ready na itong harapin kung anumang intriga ang ibato sa kanya, dahil naniniwala itong wala naman siyang dapat ikatakot. Gusto lang niya ituwid ang bulok na sistema sa gobyerno at corruption.
Kung anuman daw ang pinaglalaban ni Sen. Grace, naka-suporta ang buong pamilya ni Sheryl dahil solid ang kanilang samahan. Ilan na nga ba ang tinanggihang pulitiko ng magaling na senadora para sa darating na eleksyon 2016
PUNO NG rebelasyon at kaabang-abang ang mga eksena sa episodes ngayong linggo. Mula sa paghahatid ng inspirasyon ng Pari Ko’y, sa mga nakakikilig na eksena ng Let The Love Begin, hanggang sa matapang na pagharap sa katotohanan ng mga karakter sa The Rich Man’s Daughter.
Matapos makakuha ng mga positive comments mula sa ilang mga pari ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), tuluy-tuloy pa rin ang suportang natatanggap ng Kapuso faith-serye na Pari Ko’y. Bukod sa programa, ang higit na umaagaw ng atensyon sa mga viewers at netizens ay kung paano isinasabuhay ni Father Kokoy, na ginagampanan ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang buhay at mga karanasan ng mga pari.
Tumitindi na ang mga eksena sa Pari Ko’y, lalo na ngayon na nalaman na ni Michelle (Carla Abellana) na si Pinggoy (David Remo) ang nawala niyang ana. Sa sobrang saya ay agad na ipagpapaalam nina Michelle at Jude (Gabby Eigenmann) kay Father Kokoy na susunduin na nila si Pinggoy. Ngayong lumabas na ang katotohanan, hindi dapat palampasin ang mga magiging hakbang ni Kokoy, lalo na kapag dumating na sa punto na malaman ng mga taga-Pinagpala ang tungkol sa kanyang pagiging ama.
Kaabang-abang din ang magiging desisyon ni Noemi (Sunshine Dizon) ngayong magtatapat na si Matthew (Victor Neri) na mahal pa rin niya ito. Bilang isang ina, gagawin ni Noemi ang lahat para mabawi lamang ang anak na si Sarah (Jillian Ward) mula kay Simon (Carlo Gonzales).
Ilan sa mga eksena sa Pari Ko’y ay ang mga nakakahalubilo ni Father Kokoy sa parokya na gagampanan nina Luz valdez, Dexter Doria, at Chanda Romero. Patuloy namang hahamunin ng mga karakter nina JC Tiuseco, Jeric Gonzales, Rap Fernandez, Lindsay de Vera, at Hiro Peralta ang kaastigan ni Father Kokoy.
Isa sa mga inaabangang series sa GMA Telebabad ang Let The Love Begin na pinagbibidahan ng Philippine Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas kasama ang fast-rising loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Bukod sa nakakikilig na mga eksena, sinusubaybayan din ang programa dahil sa mga aral at leksyon sa buhay na hatid nito sa mga manononood gabi-gabi sa primetime.
At ngayong linggo, hitik na hitik sa malalaking rebelasyon at kapana-panabik na mga eksena ang dapat pakatutukan sa Let The Love Begin. Malalaman na ng lahat na ang ina ni Pia na si Sophie (Rita Avila) ay buhay pa. Bagama’t hindi makapaniwala, muling manunumbalik ang pagmamahal ni Tony (Gardo Versoza) sa kanya unang asawa na si Sophie at nagdesisyon siyang ayusin muli ang kanyang pamilya. Pinag-iisipan ni Tony na makipag-annul kay Celeste (Donita Rose) na ikagagalit naman nito.
Kapana-panabik ang mga pangyayari sa ground-breaking series ng Kapuso Network na The Rich Man’s Daughter. Unti-unti nang lumalabas ang katotohanan sa bawat character. Sa panguguna ni Rhian Ramos kasama sina Glaiza de Castro, Luis Alandy, Katrina Halili, Mike Tan, Chynna Ortaleza, Sheena Halili, at Ms. Gloria Romero. Itinatampok din sina Pauleen Luna, Paolo Cortis, TJ Trinidad, Charee Pineda, Stephanie Sol, Al Tantay, Glydel Mercado, at Tony Mabesa sa direksyon ni Dominic Zapata.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield