THERE’S NO stopping the Diamond Star Miss Maricel Soriano.
I’m sure happy ang mga fans ni Marya dahil mukhang magiging aktibo muli ang aktres sa kanyang showbiz career after ng mahaba-habang panahon na nagbakasyon ito.
Bongga ang pagbablik showbiz ni Marya dahil raratsada siya this month of May with a special guesting in Regal Entertainment’s “My 2 Mommies” starring Paolo Ballesteros and Solenn Heussaff na Mother’s Day presentation ng kompanya nina Mother Lily and daughter Roselle Monteverde na mapapanood on May 9.
She plays tiyahin ni Paolo sa movie na isa sa mga “mommy”.
Bukod sa pelikula na dinirek ng “bestie” ni Maricel na si Direk Eric Quizon, she will also portray the mom of Liza Soberano sa movie ng Star Cinema na Darna directed by Erik Matti.
Mapapanood din ang aktres sa isang bigating teleserye ng Kapamilya Network na The General’s Daughter which includes Angel Locsin Eula Valdez, Janice de Belen together with the new Kapamilya star Ryza Cenon.
Sa pagiging aktibo niya ,I’m sure happy ang mga Maricelians dahil binigyan muli ng pagkakataon si Marya na ang mga artista na tulad niya will stay in showbiz longer at hindi mawawala. Aktres naman kasi ang isang Maricel Soriano.
Reyted K
By RK Villacorta