NAG-LAST SHOOTING day na ang Four Sisters and a Wedding last Tuesday lang kung saan ang ilang mabibigat na eksenang kinunan ay ang kina Bea Alonzo at Angel Locsin.
Na-delay ng ilang oras ang shooting, dahil pagkagising daw ni Angel ay may allergy ito sa isang bahagi ng kanyang mukha na tila namamaga, kaya isinugod ang aktres sa ospital para turukan ng anti-allergy o anti-histamine para mawala agad ang pamamaga at umimpis muli ang kanyang mukha.
Kaya wala raw ibang nagawa ang buong production staff at sina Direk Cathy Garcia-Molina at Bea kung hindi ang maghintay. Pero naintidihan nila ang hindi inaasahang nangyari kay Angel.
Matapos ang shooting, agad namang tumakbo si Angel sa ABS-CBN para humabol sa taping ng Toda Max, kung saan bandang ala-siyete na sila dumating ng kanyang team mula sa location ng pelikula sa Commonwealth.
Hindi na nga raw naghapunan si angel, dahil sa hiya nito sa mga producer at kasamahan nito sa sitcom, kahit pinapakain muna ito bago mag-take.
Bagkus, agad-agad daw nagpasalang sa taping ang aktres.
GUEST PALA si Julia Barretto sa ASAP 18 nu’ng linggo lang nang mamataang naghihintay sa kanya si Julian Estrada sa labas ng studio.
Matapos daw ang production number ni Julia at paglabas ng studio ay may mga nakakita raw sa dalaginding na sumenyas daw ito kay Julian sa pamamagitan ng kanyang mga kamay na sumunod na sa kanya pabalik ng dressing room.
Nagkakamabutihan na nga kaya talaga ang mga anak nina Sen. Jinggoy Estrada at Marjorie Barretto?
KAHIT NASA kalagitnaan na tayo ng taon ay pitong pelikula pa pala ang ipalalabas ng Viva Films bago matapos ang 2013, ayon sa Viva executive na si Tita June Rufino.
Patunay lang ito na aktibo muli sa industriya ng pelikula ang produksyon ni Boss Vic del Rosario.
Nitong Martes lang ang first shooting day ng bagong pelikula ni Direk Wenn Deramas na Bekikang na launching movie ng kanyang discovery na si Joey Paras.
Raratsadahin daw ng box-office director sa loob ng 12 days ang Bekikang at bago matapos ito ay uumpisahan niya na rin ang shooting ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy na co-production ng Star Cinema na pagbibidahan ni Vice Ganda para sa Metro Manila Film Festival sa Pasko.
Heto pa ang ilang pelikulang ng Viva Films para sa taong ito lang: 1. The Gifted. Starring Cristine Reyes, Sam Milby and Anne Curtis. Written and directed by Chris Martinez; 2. Trophy Wife. Starring Cristine Reyes, Heart Evangelista, John Estrada and Derek Ramsay; 3. Maging Akin Ka Lamang (almost remake daw ng classic film na pinagbidahan noon nina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, at Jay Ilagan na dinirek ni Lino Brocka) co-production with Star Cinema. Starring Anne Curtis, Dingdong Dantes and Bea Alonzo. Directed by Ruel Bayani; 4. Aba, Nakakabasa Na Ako. Directed by Mark Meily. Magpapa-search pa raw sila ng bata na may edad 14-18 years old para sa lead role; at 5. Nagalit Ang Diyos sa Haba ng Buwan. Starring Gabby Concepcion, Cristine Reyes, Andi Eigenmann and Jake Cuenca. Directed by Andoy Ranay.
Nang tanungin namin si Tita June kung bakit walang pelikula ang kanyang alagang si Luis Manzano, ang sagot nito ay nakatakda raw gawin sa isang taon (2014) ng TV host-actor ang kanyang pagbibidahang pelikula na Mang Kepweng na ididirehe ni Direk Wenn. Although wala pa raw silang napipiling writer.
Next year din daw ay gagawin at ipalalabas ang sequel ng Praybeyt Benjamin ng phenomenal box-office star na si Vice at ang Moron 5 kung saan hindi na raw kasama sa limang bidang lalaki si DJ Durano.
SUPORTAHAN NATIN ang baguhang si Criselle Quin sa kanyang kauna-unahang indie film na Transmigrate: The Troubled One na may temang thriller kung saan siya ang lead actress, writer at producer. Pero ang direktor ay si Andy Andico.
Kasama rin ni Criselle sa pelikula sina Patrick Patawaran at Cris Pastor ng Pinoy Dream Academy.
Si Criselle ay Marketing graduate sa University of Santo Tomas at nag-aral ng Film sa Amerika.
Hindi raw siya stage actress, kaya nagkukulong daw siya sa kwarto niya para i-train ang sarili at ma-discover niya ang kanyang character.
Isinulat ni Criselle ang script in English, dahil lumaki siya in Western Culture, kaya hirap daw siyang magsulat in Tagalog.
Palabas na sa lahat ng SM Cinemas ang Transmigrate simula nitong Wednesday, June 19.
Franz 2 U
by Francis Simeon