SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, magbibida sa isang pelikula ang Kapuso actor na si TJ Trinidad at OPM Pop Rock Superstar na si Yeng Constantino sa pamamagitan ng CineFilipino 2018 entry na
“The Eternity Between Seconds” na ipapalabas na sa main cinemas ng Kyusi mula April 10 to 17.
Nasilip na naming sa pamamagitan ng official Facebook page ng pelikula ang teaser trailer. Tungkol ito sa isang motivational speaker / self-help author named Andres (TJ Trinidad) who is in his 40’s at isang Filipino-Korean lady in her 20’s na nagngangalang Sam (Yeng Constantino) na makikilala na rin ang kanyang estranged Korean father for the first time.
Karamihan ng mga eksena ay kinunan sa Incheon International Airport ng South Korea.
Simple lang ang pinaunang teaser trailer, pero mararamdaman mo kaagad na ang mga characters involved ay may itinatagong kalungkutan at tila naghahanap ng karamay.
Sure ako na patok ito sa mga millennials lalo na sa mga mahilig gumala at nagiging tambayan na ang airport. Bebenta rin ito sa mga frequent travelers na minsan ay nakakahanap ng peace of mind sa mga paliparan.
Isa si TJ Trinidad sa mga male actors natin na matagal na namin gustong magbida sa big screen. Palagi na lang kasi itong support o ka-love triangle in his mainstream movies. Sa indie naman, palaging mabigat ang tema ng pelikulang ginagawa niya.
Ito ang pangalawang pelikula ni Yeng Constantino, na mas kilala sa pagiging singer at music composer. Four years ago ay lumabas ang pelikula niyang ‘Shift’ with Felix Roco na parte ng Cinema One Originals. Isa ito sa topgrossers ng festival during that year at nagkaroon pa ito ng screening sa ibang bansa tulad ng Japan.
Sa bagong tambalang ito, siguradong matutuwa ang mga closet fans ni TJ at mga Yengsters na all out ang support sa lodi nila.
Ang ‘The Eternity Between Seconds’ ay mula sa direksyon at panulat ni Alec Figuracion at produced by Melai Entuna. Suportahan natin lahat ng pelikulang kalahok sa CineFilipino Film Festival ngayong April!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club