DUMADAAN DAW SA butas ng karayom at sobrang hirap daw ang pinagdaraanan ngayon ng mga kabataang re-gular na napapanood sa ABS-CBN’s teen show na Shout Out, dahil sa pagre-reformat nito, kung saan nag-level-up ang nasabing show at dadaan sa audition ang lahat ng gustong mag-perform sa nasabing show.
Kuwento nga ng aming source, maraming audition at rehearsals ang ginagawa nila ngayon para lang makasama sa production number na ipalalabas sa buong linggo, at kung hindi naging maganda ang performance, hindi makakasama at magiging audience lang for the whole week.
Kaya naman daw lahat ay nag-e-effort na mapansin ang kani-kanilang galing, matira ang matibay para lang makasama sa lahat ng production numbers at hindi maging audience lamang. Isang buwan daw ang ibinigay ng pamunuan ng ABS-CBN para mag-improve at gumaling ang mga miyembro ng Shout Out, dahil ‘pag hindi raw ay mamaalam na ito sa ere. ‘Yun na!
ISANG PRESSCON ANG naganap last Jan. 25, kung saan nasa bansa ang Miss World organizer na si Madam Julia Morley kasama ang 2010 Miss World na si Alexandra Mills at first runner-up Emma Wareus para ipaalam sa lahat na ang bagong may-ari ng franchise ng prestigeous international beauty pageant ay na kay Ms. Cory Quirino na. Ginanap ang nasabing presscon at turn-over ng rights ng Miss World Philippines sa Makati Shangri-La Hotel.
Kuwento nga sa amin ni Ms. Quirino, ang gusto raw ni Madam Julia sa magiging representative ng Pilipinas sa 2011 Miss World ay isang Filipina mula sa isang mahirap na baryo sa probinsiya, matangkad, may ginintuang puso at matulungin, na siyang akmang-akma sa motto ng Miss World na “Beauty with a Purpose” nang sa ganu’n, sila ang huhubog para maging isang tunay na beauty queen ito.
Isa raw ito sa magandang nangyari sa buhay ni Ms. Quirino, kaya naman daw masaya siya at very honored si Ms. Cory na sa kanya ipinagkatiwala ni Madam Morley ang franchise ng Miss World. Gagawin naman daw ni Ms. Cory ang lahat-lahat para maging maganda at matagumpay ang kauna-unahang taon ng Miss World Philippines na siya na ang may hawak.
AMBILIS TALAGA NG panahon dahil hindi namin namalayan na almost 25 years na pala ang nakalilipas since natsugi ang That’s Entertainment at ngayon, nagsi-selebra ng silver anniversary. Tulad ng nakasanayan nang gawin ni Kuya Germs taon-taon, muli nitong ise-celebrate ang anibersaryo ng “That’s…” pero this time ay kasabay ang GMA Supershow.
Kuwento nga sa amin ni Kuya Germs, espesyal daw ang magiging pagtatanghal ng silver anniversary ng “That’s…” kasabay ang GMA Supershow na ipalalabas sa GMA-7. Kaya naman paniguradong maraming artista mula sa dalawang nabanggit na shows ang mapapanood sa nasabing espesyal na pagta-tanghal.
Pero may isang katanungan kami kay Kuya Germs na kung sa Araneta Coliseum pa rin ba gaganapin ang bonggang selebrasyon na ito. Dahil kung maaalala natin, sa Araneta lagi taun-taon ginaganap ang anibersaryo ng “That’s…” at GMA Supershow with matching parada sa buong Araneta Center, at kahit nga ang taunang Christmas Tree lighting sa Araneta Center, sa That’ s Entertainment nangyayari.
Pero ayon sa Master Showman, kakausapin pa raw niya ang pamunuan ng Araneta Coliseum para roon nga gawin ang binabalak nilang selebrasyon. Sana raw ang mapa-oo niya ang Araneta dahil ito naman daw talaga ang isa sa original na taha-nan ng dalawang defunct shows.
Pero if ever, siguradong matutuloy ang bonggang se-lebrasyon ng 25th year ng That’s Entertainment at GMA Supershow. Sana sa Araneta Coliseum ito gawin, dahil aminin man o hindi ng Araneta Center, sumikat sila nang husto dahil sa nabanggit na dalawang shows ni Kuya Germs, kung saan naroon ang lahat ng malalaking artista noon. ‘Yun lang!
John’s Point
by John Fontanilla