NATUTUWA lang ako sa mga photos na nakita ko sa Instagram ng mga showbiz personalities natin na kung hindi busy sa kani-kanilang mga showbiz commitments ay wala silang paki na magpaka-yaya sa mga anak nila.
Si Dingdong Dantes, happy na mag-alaga sa anak nila ni Marian Rivera na si Maria Letizia during his freetime. Now na busy muli ang aktor sa kanyang trabaho bilang bida sa GMA Kapuso Network serye na Alyas Robin Hood (Book 2) at pelikula sa Star Cinema na Seven Sundays (working title pa lang ito) ay tila male-lessen ang pagiging “Yaya Dad” niya.
Si Paolo Ballesteros naman kapag andito nasa Pinas ang anak na Keira he takes time na mag-bakasyon sa kanyang work para magkasama sila. Naka-base sa US ang anak ni “Trisha” at nakatira kasama ang ina ng anak.
Si Robin Padilla ay yaya dad ng anak nila ni Mariel Rodriguez. Ang pagaaruga ni Binoe sa anak na si Maria Isabelle (na nag-celebrate ng kanyang ika-8th month recently) ay nakakadagdag lalo sa kamachohan ng action star lalo pa’t isang responsiblidad na ama ito sa anak.
Si Doc Hayden Kho naman ay super maalaga sa anak nila ni Dra. Vicki Belo na si Scarlet Snow na super cute at isa kami sa mga nagpa-follow sa bagets.
Si Dennis Trillo naman ay yaya dad sa anak na si Calix na only this weekend ay nag-post ang aktor ng photo nila mag-ama very rare sa pagiging very private ni Den as a person.
Reyted K
By RK Villacorta