NAGLULUKSA ngayon ang showbiz sa pagpanaw ng multi-awarded director at talent manager na si Direk Maryo J. delos Reyes. Binawian ng buhay si Direk Maryo kahapon (10:30 p.m.) habang uma-attend siya ng isang party sa Dipolog City (Mindanao).
Atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng beteranong director at maaaring habang sinusulat namin ang balitang ito ito ay nadala na sa Maynila ang kanyang mga labi para dito iburol.
Si Direk Maryo ang manager nina Yul Servo, Ruru Madrid, grupo ng Masculados, Orlando Sol at marami pang iba.
Ilan sa hindi malilimutan obra na ginawa ni Direk Maryo ay ang mga pelikulang Magnifico, Saan Darating Ang Umaga, My Other Woman, Naglalayag, Kaya Kong Abutin Ang Langit at marami pang iba. Siya rin ang director ng pelikulang Bagets na nag-launch sa career ni Aga Muhlach.
Huling nakausap namin si Direk Maryo ay sa Christmas party na in-organize niya para sa talent na si Cong. Yul Servo. Pero constant ang aming communication thru text.
Bago nag-end ang 2017 ay humarap din siya sa ilang entertainment press nang i-launch ang album ni Orlando Sol sa Star Music.
Every time na nakakausap namin siya ay lagi niyang sinasabi na kailangang mag-discover ng mga bagong talento para patuloy na mabuhay ang showbiz industry. That’s the reason why he keeps on discovering new talents.
Isa rin si Direk Maryo sa pinakamabait at walang kaere-ereng director na nakilala namin kahit isa siya sa tinitingalang hali ng movie industry.
Paalam, Direk Maryo J. Rest in peace. Mami-miss ka ng showbiz industry.
La Boka
by Leo Bukas