Sinadya ni Rodrich Rebollos na sa Maynila mag-aral ng college para rito i-pursue ang pangarap niyang umarte sa theater, TV at sa pelikula dahil wala siyang nakikitang opportunity sa kanilang lugar sa Zamboanga City. Second year Legal Management student na si Rodrich sa University of Sto. Tomas.
“Wala pong ganito sa Zamboanga na theater opportunity or anything. Kaya when I went here, I tried to look for something artistic. Kasi in Zamboanga, wala pong ganu’n kasi it’s so secluded. ‘Yung pinakamalapit na city po kasi sa Zamboanga you still have to drive pa po two hours then you have to cross mountains pa just to go to the next city,” katuwiran ni Rodrich.
Sumabak na rin si Rodrich sa theater when he was in first year sa UST. Gay role ang na-assign sa kanya na naging dahilan din para pagdudahan ang totoo niyang gender.
“Kala po talaga nila bading ako. Tapos tinatanong nila ‘yung friends ko kung bading ba talaga ako, especially dahil din po sa accent ko na malambot. Pero hindi po ako nag-i-explain kasi wala naman din akong dapat i-explain. ‘Yung mga kaibigan ko po, sila ‘yung nagsasabi na hindi ako bading,” natatawa niyang kuwento.
Eh, what if may magkagusto sa kanyang bading?
“Okey lang naman po, pero huwag lang sobrang aggressive. Pero hindi po kasi ‘yon ang hanap ko, eh,” natatawa niyang pahayag.
Umekstra na rin si Rodrich sa “A Love To Last” bilang isa sa classmates ni Julia Barretto. Okey naman daw ang kanyang experience. Kaya lang as a bit player, napakahabang oras daw ang hinintay niya bago makunan ang kanilang eksena.
“Nag-absent pa naman po ako sa school no’n. Pero okey lang naman, kasi nagsisimula pa lang naman ako,” sey pa ng binata.
La Boka
by Leo Bukas