Premiere night ng indie film na Showboyz noong February 11, 2009 sa UP Film Institute sa direksyon ni Cris Pablo para sa Sinehan Digitales na gumawa rin ng mga pelikulang Duda, Bathhouse, Bilog, Pitong Dalagita, Quicktrip. Kasama sa cast sina Archie de Calma, (showbiz columnist ng Pinoy Parazzi) Toffee Calma, Kristoffer King at Toffer Bareto. Umiikot ang istorya sa dalawang bugaw at sa makulay na mundo ng mga macho dancer. Ano nga ba ang kaibahan ng Showboyz sa ibang macho dancer movies?
Magpapakita raw ng maumbok n’yang hinaharap si Kristoffer King, na lumabas rin sa mga kontrobersyal na gay movies tulad ng Masahista at Serbis. Hindi lang ‘yan, matatawa ka sa panonood nito at hindi kasimbigat ang Showboyz kumpara sa ibang gay movies. Although maraming negang reaksiyon noong premiere night – tulad ng hindi raw klaro ang pagkakakuwento ng istorya at nawawala-wala raw ang audio – tiyak isa ang Showboyz sa mga pelikulang magpapayabong pa sa industriya ng Pinoy indie films.
Premiere Shots
by Faith Salazar