MAPANGANIB KAPAG KINUNSINTI ang asal nitong si Supt. Crisostomo Mendoza, hepe ng Station 10, sakop ng Quezon City Police District.
Noong nakaraang Martes Santo ay lumusob ito sa tanggapan ng QCPD Press Corps.
Ayon sa isa nating kaibigan na naroroon, mistulang toro itong si kernel na umuusok ang mga butas ng ilong at nanlilisik ang mga mata na akala mo eh, sinapian ng masamang espiritu.
Halos galugarin umano ni kernel ang bawat sulok ng nasabing opisina sa paghahanap kay Almar Danguilan, ang presidente ng grupo.
Napag-alaman na ang ipinagngingitngit pala ng tumbong ni kernel ay ang inilabas ni Danguilan na balita na talamak ang iligal sa erya ng Stn. 10.
Heto na ang drama ni Supt. Mendoza, “hindi ba ninyo alam na ako ang nagbabayad ng kuryente ninyo rito? Tapos titirahin ninyo ako?”
Langyang pahayag mo na ‘yan kernel, napaka-iresponsable!
Una, galing ba sa bulsa mo mismo ang ibinabayad sa kuryente sa nasabing opisina o pondo ng opisina mo?
Kung pondo ng opisina mo, ibig sabihin pondo ng gobyerno.
In-short, pera ng taumbayan!
Eh, bakit mo iho-hostage ang QCPD Press Corps sa sitwasyong hindi ka nila dapat banatan dahil ikaw ang nagbabayad ng kanilang kur-yente?
Pangalawa, kung galing naman mismo sa bulsa mo ang perang ibinabayad sa kuryente ng nasabing opisina, ibig bang sabihin, ang sahod mo na dapat sana ay pam-pamilya lang ay binabawasan mo para lang sa nasabing bayarin?
Ibig bang sabihin kernel, “pilantropo” ka?
Weeeeeeeeeeeeeeehhhhh!!!
Kung hindi mo naman binabawasan ang sahod mo, ibig sabihin mula sa “other sources” o delihensiya, ganu’n ba?
O, eh, sinong tanga naman sa iyong area of responsibi-lity ang magbibigay sa ‘yo ng pera kung wala silang iligal?
Derpor, tumpak si Almar Danguilan na naglipana nga ang iligal na gawain d’yan sa iyong AOR!
Kaya kung may natitira ka pang hiya sa katawan Col. Mendoza, dapat siguro lumayas ka na… bwisit!
‘Wag mo nang hintaying palayasin ka pa d’yan! Pwe!
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303