“SID & AYA” nina Anne Curtis at Dingdong Dantes, humahataw sa positive reviews!

Anne Curtis and Dingdong Dantes

WATCHED Irene Villamor’s Sid & Aya (Not A Love Story) last night at the preem in Trinoma.

Nagustuhan ko ang movie. I just wonder kung bakit sa titulo ng pelikula ay may karugtong na salitang (Not A Love Story) gayong kuwento ito kung bakit nagmahal at minahal ng mga bida na sina Dingdong Dantes at Anne Curtis ang isa’t isa na sa simula ay may kanya-kanya silang intensyon.

Siguro, ayaw ma -classify ni Direk Irene ang pelikula niya sa mga pagkaraniwang “romance film” sa market.

Bagay sina Dingdong at Anne sa mga karakter nila. Magaling na aktor si Dingdong basta bigyan lang ng tamang project. At si Anne, pwede ko na siya taguriang aktres sa ipinakita niya na dati-rati’y ay paputchi-putching artista lang siya para sa akin.

Binuo ang pelikula na ang target ay ang mga millennials lalo pa’t ang soundtrack ng pelikula ay binuo sa mga halo-halong world music ,underground at indie na trip na trip ng mga kabataan na dahil very pang-millennials ang tema ng “love story” nina Sid at Aya.

Dingdong Dantes, Irene Villamor and Anne Curtis

Bukas, Wednesday May 30 ay simula na ang showing ng pelikula na personally I love the film. Not too bagets pero magugustuhan at maiintindihan nila kung bakit “ganun” ang pag-ibig.

Kaysa kumain ka ng Big Mak, Large Kamote Fries at Gulaman Float ay dito na ako sa pelikulang Sid & Aya at mabubusog ang kaluluwa ko kahit zero ang lovelife ko. He he he… Congratulations to Dingdong, Anne and Direk Irene.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleNANLOKO KAY JOED SERRANO, NA-INSTANT KARMA
Next articleNewbie actors, natulala sa galing ni Ronnie Lazaro

No posts to display