Kakaibang Sid Lucero ang napanood namin sa pelikulang “Toto” na idinirek ni John Paul Su na isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival para sa New Wave category.
Sa pelikula, nag-shift sa comedy si Sid Lucero na malayung-malayo sa usual drama na kanyang ginagawa. And in fairness, successful and very effective din siya sa bagong genre.
Sid plays Toto in the movie. Toto is a young Filipino room service attendant na taga-Tacloban na gustong magkaroon ng US visa at makapagtrabaho sa Amerika dahil napinsala ng bagyong Yolanda ang kanilang lugar. Bukod sa nangyaring trahedya sa kanilang lugar, may cancer din ang nanay niya.
Kung ano-ano na ang ginawa ni Toto para makakuha ng US visa, kahit pa mawala ang mga kaibigan, trabaho, dignidad, at puso. Sa mga sitwasyo na ito papasok ang mga katawa-tawang pangyayari.
Kung magkakaroon ba siya ng US visa at makapupunta ng Amerka, “‘Yon ang dapat abangan ng moviegoers. Ang “Toto” ay tungkol sa “power of the dream”.
“Although the failures of his father haunt him, it’s the power of his father’s dream that fuels him, not just for himself, but for those he loves, to help better their lives and achieve their own dreams.
“Some call it the American Dream, but for those beyond the US it’s simply “the dream”. After all, there’s a “Toto” that resides in all of us,” paliwanag pa ni Direk JP.
Kasama ni Sid sa “Toto” sina Thou Reyes, Bibeth Orteza, at Liza Dino na ang galing-galing din sa movie. Binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluated Board (CEB) ang pelikula na palabas na simula Dec. 17 to Dec. 24.
La Boka
by Leo Bukas