AS EXPECTED, TULAD ng unang showing nito sa CCP Theatre as NETPAC entry sa Cinemalaya kamakailan lang, muling dinagsa ng mga bading – from all walks of life – ang gay indie film na Muli nina Sid Lucero at Cogie Domingo sa UP Cine Adarna sa UP Diliman, Quezon City noong Miyerkules ng gabi.
Kahit na-watch na namin ito sa CCP, watch pa rin kami ng Muli sa UP. As always, usap-usapan ang love scenes kapag gay indie film ang palabas. Intact pa rin ang love scenes nina Sid at Cogie, ngunit mas maiksi na ito, pero tama lang sa kabuuan ng pelikula.
Hindi lang si Cogie ang ka-sex ni Sid sa pelikula kundi pati sina Arnold Reyes, Rocky Salumbides, at isang baguhang actor from UP. Say ni Sid, ito na ang most daring role niya ever.
“Love scene with the same sex, it’s the same. It’s about love, right? And if you love a person, it doesn’t matter if the person is a man or a woman. Love knows no gender, technically, right?
“So, why not? It’s true. Wala namang pinagkaiba, e. Ako nga lang ‘yung bumukaka sa love scene!” tawa ni Sid nang minsang makausap namin.
“The controversial love scenes in this country… Every love scene is controversial! And so, are we not tired of that yet?”
Tila “nasagad” na si Sid sa mga kabadingang roles na ginagawa niya lately sa movies, kaya noong July 18, dalawang magkabukod na tweets ang i-pinost ng actor sa kanyang personal Twitter account:
“Official announcement: As of today onwards I will no longer take on anymore gay films. I’ve done enough. No more na please. Thank you.
“Apologies to my followers who enjoy my gay roles, but I feel I’ve done so many na nakakasawa na. I don’t get challenged by them anymore. I want another challenge. Tapos na ang chapter sa gay roles. Iba naman!” tweet ng alaga ni Ricky Gallardo.
SA CHIKAHAN NAMIN ni Jean Garcia, inamin nitong hindi pa raw niyang nakikitaan ng pagkaseryoso ang anak na si Jennica Garcia sa nanliligaw ditong si Alwyn Uytingco, kahit na may tsismax na mag-on na ang dalawa.
Parang naglalaro lang si Jennica. Kasi, gusto lang niya, barkadang lalaki. Kasi, marami siyang barkadang babae. ‘Kala ko nga ‘di muna ‘yan magpapaligaw, eh.”
Kung si Jean daw ang tatanungin, mas gusto muna nitong mag-enjoy sa pagde-date ang 20-year-old daughter. “Have fun lang, ‘wag munang mag-commit,” payo ni Jean sa anak.
“Sabi ko, i-prioritize niya ang career. Pero sinabi ko, hindi naman puro career-career lang siya.”
Hindi naman diretsong masagot ng alaga ni Manny Valera kung boto ba siya kay Alwyn para kay Jennica.
“Hindi naman sa hindi boto, ha? Kasi, parang, alam mo, standard answer na, ‘No!’, ‘di ba? It’s just that sa akin, ang gusto ko, si Jennica, mag-enjoy muna.
“Kahit na sino ‘yun, kahit hindi si Alwyn… Ang gusto ko lang ngayon for Jennica, mag-enjoy siya at maging open siya sa mga courtships. ‘Yun ang masarap, ‘di ba?”
Sinabi ni Jean na hindi importante sa kanya ang mga salita, kundi dapat patunayan ng sinumang suitor ng anak ang pagmamahal nito sa anak, lalo na sa aspetong pagrespeto.
“Sa akin naman kasi, hindi kuwestiyon kung mahal mo ang anak ko… patunayan mo. Hindi puwedeng sabihin lang… kailangan mong i-prove.
“Kasi, ‘pag sinabi lang, e, hindi naman kita nirerespeto or alam mong hindi kita inaalagaan,” makahulugang pahayag ni Jean.
Aniya, “Sino ba naman ang unang-unang magiging masaya ‘pag masaya ang anak ko at may mag-aalaga sa kanya at mamahalin siya nang bongga, e, ‘di ako, ‘di ba? Sana lang… Kasi, alam mo ‘yan, ang daming promises, ha!”
Mellow Thoughts
by Mell Navarro